Advertisers

Advertisers

Titser patay, 2 sugatan sa salpukan ng kotse at fuel tanker

0 183

Advertisers

NASAWI ang isang public school teacher at dalawa ang sugatan sa banggaaan ng kotse at fuel tanker sa Orani, Bataan.

Kinilala ang nasawi na si Aileen Dulay.

Sa ulat, kasama ni Aileen ang kanyang mister at 4 anyos na anak nang mangyari ang aksidente sa Roman super highway.



Ayon sa report, wasak nang naabutan ng rescuers ang sasakyan nila Dulay habang nasa harapan nito ang nakabanggaang fuel tanker.

Hindi nasaktan ang kanyang mister na nagmamaneho ng kotse pero sugatan ang kanilang anak at driver ng truck.



Sa inisyal na imbestigasyon, nabatid na galing Mariveles, Bataan ang fuel tanker patungong Pampanga.

Nag-overtake ito kaya sumalpok sa kasalubong na kotse.



Sa lakas ng pagkakabangga, nagpaikot-ikot ang tanker, habang bumangga ang kotse sa isa pang kotse na lulan si Diocese Balanga Bishop Ruperto Santos.

Ipinagmaneho ni Santos papuntang Maynila ang kapatid. Hindi naman nasaktan si Santos.

Paliwanag ng driver ng truck, “Eh biglang may huminto eh. Iniwasan ko kaya lang ‘yung preno ko, wala na hindi na kaya… kaya humarap dito. Hindi ko nga alam sir, kung paano natamaan ‘yan eh.”