Advertisers
HINDI akalain ng magkaibigang babae na sa pinuntahang modeling audition ay muntik na silang mabiktima ng online sex trafficking.
Sa ulat, nakilala ng magkaibigan ang nagpapanggap na recruiter ng isang modeling agency na nagngangalang “Monique.”
Sa report, pinapunta ang magkaibigan sa isang condominium building sa Parañaque para doon mag-apply.
Pero pagpasok nila sa isang unit, nadatnan nila ang kwarto na may mga nakapwestong cellphone at mga ilaw. Tapos inutusan sila ng isang Chinese national na makipagtalik sa harap ng mga camera kasama ang mga lalaking modelo.
Matapos makakuha ng timbre, sinalakay ng mga operatiba ang kwarto at inaresto ang Chinese national na napag-alamang labas-pasok ng bansa.
Ayon sa PNP Anti-Cybercrime Group, may mga kasabwat ang Intsik na mga Pilipino at ilang Chinese nationals.
Nagkasa na ng follow-up operation ang pulisya.