Advertisers
Ni JOVI LLOZA
KUNG iba-back read ang mga post ni Sylvia Sanchez sa kanyang socmed account ay makikita ang pagbuking nito kina Ria Atayde at Zanjoe Marudo.
Di naman itinanggi ng actress na nagde-date na ang kanyang anak at si Zanjoe kasama ang iba pang kaibigan na sina Kathryn, Daniel, Joshua at Robi.
May post din si Sylvia na kasama ng kanilang family sa isang pic si Zanjoe.
Kaya natanong sa veteran actress kung boto ba siya kay Zanjoe para sa anak.
Wala naman kagatul-gatol na sagot ni Sylvia na aprub at botong boto ito kay Zanjoe para sa anak.
Sa paglalarawan ni Sylvia sa actor, ito nga raw ay napakabait at marespeto kaya ganun na lang siya ka-aprub kay Zanjoe para kay Ria.
***
May takot…
Nadine, di pa ready maging nanay
MAY takot nga marahil si Nadine Lustre sa pagkakaroon ng responsibilidad at inamin na hindi pa ito handa sa pagkakaroon ng anak para matawag na nanay.
Nangangamba ito na baka di matutukan dahil super busy ito sa kanyang career.
At kahit nga papunta na ang edad nito sa trenta ay wala pa talaga sa isip nito mag-anak.
Pero nilinaw ng actress na open naman ito sa pagkakaroon ng sariling anak.
Inihayag ni Nadine na baka mag- ampon muna siya.
Pero di naman ibig sabihin nito na wala na itong planong magkaroon ng sariling anak.
In due time ay dadadaan din si Nadine sa pagbubuntis pero pagdating nga raw ng panahon.
At papayag ba ang bf na si Christopher Bariou na wala sila magiging anak?
Hmmmp!? Well, well, well…’Yun na!