Advertisers

Advertisers

Vice Ganda ‘di alam kung kailan babalik sa Showtime si Vhong

0 170

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

DAHIL pansamanta lang nakalaya si Vhong Navarro after niyang magpiyansa ng 1 million, inaasahan ng publiko na magbabalik na siya sa kanilang show na It’s Showtime.
Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya napapanood dito.
Isa si Vice Ganda sa co-host ni Vhong sa It’s Showtime, at malapit silang magkaibigan. Kaya naman, isa si Vice sa mga tinatanong kung kelan babalik sa It’s Showtime si Vhong.
Sa nasabing noontime show nga ay nagsalita na ang Unkabogable Star patungkol sa hindi mamatay-matay na tanong ukol kay Vhong.
“Gusto niyo bang malaman kung kailan babalik si Vhong? Pwes, gusto rin naming malaman,” pabirong sabi ni Vice.
Kuwento pa niya, sa tuwing mayroon siyang presscon ay madalas siyang tanungin ng “Kailan ba babalik si Vhong?” Kaya naman isang sagot na lang ang kanyang sasabihin para matapos na rin ang mga tanong at para na rin mapanatag ang nag-aabang kay Vhong.
“Una, hindi po ako ang manager ni Vhong so hindi ako ang magde-decide kung kailan siya babalik. Pangalawa, pagpahingahin muna natin siya. Kailangan niyang magpahinga,”
At kahit na hindi niya alam kung kailan ang pagbabalik ni Vhong sa It’s Showtime ay naniniwala si Vice na magbabalik ang kaibigan.
***
MAY isang netizen ang nagtatanong kay Janine Gutierrez kung nagdadalangtao ba siya.
Nag-post kasi ang aktres ng larawan sa kanyang Instagram account kasama ang kanyang ka-love team na si Paulo Avelino.
Ito ay kuha sa nagdaang ABS-CBN Christmas Special 2022 na nangyari noong Sabado, December 17.
“Merry Christmas,” caption ni Janine sa picture
Umani naman ng iba’t ibang komento ang naturang post ni Janine mula sa mga fan nila ni Paulo.
Sabi ng isa,”Sobrang bagay talaga kayo! Buti pa kayo simple lang hindi katulad nong dalawa napaka OA,” comment ng isang fan.
Sey naman ng isa, “Merry talaga kami this Christmas dahil din sa inyo. #PauNine salamat sa sorpresa.”
“We love you so much Janine and Paulo, kayo talaga the best ever!!” saad naman ng isa pa.
Pero may isang netizen nga ang nagtanong kung buntis si Janice. Tanong ng netizen, “Preggy ka ba? Bakit ang laki ng tiyan mo?”
Malumanay naman itong sinagot ni Janine at sinabing, “PMS bloat actually and I’ve been holiday eating since wala pang taping. It’s okay to enjoy the off season [smile] Diet na ulit after Christmas.”
Dagdag pa niya, “Sana masarap din kain mo this December [smile emoji].”
Agad namang nag-sorry ang netizen kay Janine sa naitanong nito.
“I hope you don’t get mad at me. I hope you don’t mind my comment because I saw it in a post too. I thought you were pregnant. I’m really sorry. Merry Christmas,” huminging paumanhin ng netizen.