Advertisers

Advertisers

KALAWANG

0 264

Advertisers

Masakit na katotohanan na dito sa ating bansa at sa mismong mundo na ating ginagalawang industriya ay palasak ang katagang ” crab mentality”.

Kapag di ka nila kasangga at di ka pasok sa kanilang binuong network o grupo (sindikato),asahan mong itsapuwera ka na sa mga biyaya at pakinabang na kanilang tinatamasa.

Powerful ang mga grupong ito na nagbuklod- buklod hindi para sa isang marangal na layon kundi kontrolin ang media para sa kanilang pang personal na interes.



Ang mga ito ang numero unong protektor ng sindikato,iligalista at corrupt government officials.

Kapag isa kang maliit na media practitioner o freelancer,tatawagin ka nilang hao shiao.



Kapag nasaling o napitik mo ang kanilang mga PATONG na kung tawagin nila ay kanilang PR,retainer kliyente, principal o kaibigan”,pagtutulungan kanilang gibain at idiskredito.

Tatawagin at babansagan kang corrupt at ” matalim”.



Mapanghusga ang mga walanghiyang ito ngunit sarili nilang BAHO ay di nila naaamoy.

Nasa pedestal sila ng isang elite media group na ang membership ay piling pili para magawa at magiya nila ang kanilang samahan tungo sa isang direksyon.

Isang kumpas ika nga tungo sa pagkakaperahan!

Ang liderato nito ay mistulang “rotation” na sila- sila rin ang nagpapalitan.

Malaking kuwarta ang pumapasok dito on a regular basis.

Ilan sa mga sangay ng gobyerno na mistulang balon ng masagang grasya ng grupong ito ay ang DPWH, Bureau of Customs, Bureau of Immigration at PNP.

Pasok din sila sa mga kapwa nila mga dorobo pulitiko serving kuno as PR men, desenteng tawag sa pagiging PATONG.

Ilan sa mga negosyong pino-proteksyonan ng grupo ay smuggling,droga,illegal gambling at prostitusyon kasama na ng human smuggling at “paihi” o fuel theft and what have you na puwedeng patungan at pagka- kuwartahan.

Kapag nasaling mo Isa man sa kanilang pino- proteksyunan,doon na magsisimulang kumulo ang kanilang TAE laban sa iyo.

Ang grupong ito ay mayayabang at sobra ang tiwala sa sarili.

Tingin nila sa sarili,sila ang the best & the brightest.

Pero wag ka, sila ang pinakabulok na uri ng mga mamamahayag.

Mga peradista!

Binabaluktot ang tama at tinutuwid ang mali nang dahil sa kuwarta.

Mga sinungaling at propagandista ng mga iligalista at tiwali.

Marami ang makaka-relate sa isyung ating tinalakay sa araw na ito.

Mga antigo at bagitong mamamahayag na bagamat nananahimik lang ay batid at kilala ang mga galawan ng mga taong ito.

Wag kayong papasigurong habang panahon na lamang silang mananahimik!

“Lahat ng palayok ay may katapat na suklob”.

At pagsapit ng araw naito, kayo mismong may katawan ay di makababatid ng nangyari.

May kasunod…

ABANGAN!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com