Advertisers

Advertisers

5 PANG EX-MILITAR SA ‘DEGAMO KILLING’ SUMUKO

0 168

Advertisers

Limang pang mga pangunahin salarin sa pag-patay kay Negros Oriental Gov Roel Degamo at 8 iba ang sumuko sa mga otoridad.

Ayon kay Col Jean Fajardo PNP Spokesman, ang 5 mga salarin pawang mga ex-military o discharge at matagal nang wala sa AFP at nasa 10 mga salarin na pawang mga ex- military ang sumuko.

“Kung matatandaan natin nung nakaraang Biyernes ay may nauna na 1 sumuko at nitong Lunes nga at kahapon ay may 5 pa uling sumuko at lumalabas sa ating initial na information na natanggap ay mga discharged na mga sundalo ito, matagal na itong wala sa AFP,” ani Fajardo.



Sinabi ni Fajardo na maganda “development” dahil majority sa mga main players nasa custody na natin at umaasa tayo na itong kanilang mga “revelations” at alam sa naging pagpatay kay Gov. Degamo mas lalong mabibigyan ng linaw sa kanilang pagsukot.

“Sa ngayon kung isasama natin itong bagong 6 na sumuko lalabas na 10 na ‘yung “accounted” natin at kung maalala nung March 4 at 5 may nahuli na tayong 4 at may isang namatay sa “pursuit operations” itong pinakalatest Biyernes, Lunes at Martes 6 na ‘yung sumuko so more or less nasa 10 ‘yung nasa ating physical custody,” dagdag ni Fajardo.



Kaugnay nito, sinabi ni Fajardo na patuloy ang isinagawang pag-validate kung may mga natatangap na concrete threat si Congressman Arnolfo Teves Jr at kanyang pamilya na dahilan sa pagtangikung bakit ayaw nito na bumalik ng Bansa upang haraping ang mga akusasyon laban sa kanya.

“Well kung yan yung sinasabi ng kanyang abugado, no less than Speaker, SILG and even Chief PNP assured him and his family na tayo magbibigay ng kaukulang seguridad sa kanya hindi lamang sa kanya, pati sa kanyang pamilya kung yun yung kanyang reason kung bakit ayaw niya umuwi ngayon” saad ni Fajardo.



Tumanggi naman si Fajardo na tukuyin o kumpimrahin kung saan bansa naroon ngayon si Teves dahil sa patuloy ang gingawang pagkumbinsi dito na bumalik ng bansa para haraping at sagutin ang kanyang mga kaso.

“Well I am not liberty to reveal yung present location ni Cong. Teves dahil efforts are being made to convince him to go home para harapin ito at sagutin ang kanyang mga kaso” pahayag ni Fajardo (Mark Obleada)