Advertisers

Advertisers

PBBM hinimok si Teves na umuwi na ng bansa

0 232

Advertisers

HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr nitong Miyerkules si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr. na umuwi na sa bansa at harapin ang kasong criminal laban sa kaniya at tinitiyak ng kaniyang administrasyon na bibigyan siya ng seguridad.

“But anyway, if to reassure him, we’ll provide all kinds of security kung anong gusto mo. Mayaman ka naman. May private jet ka naman eh. Mag-landing ka kung saan mo gusto, papaligiran – sa Air Force base. Mag-landing siya sa Basa, papaligiran natin ng sundalo, walang makalapit na isang kilometro. So that – that will guarantee his security,” sinabi ni Pangulong Marcos sa isang media interview matapos dumalo sa ika-126th Founding Anniversary ng Philippine Army sa Taguig City.

Pinabulaanan ng Pangulo ang ulat na may pagbabanta umano sa buhay ng mambabatas base sa intelligence information na mula sa Office of the President.



“Well, I have no direct contact with him. Ang nakakausap niya is the Speaker (Martin Romualdez) dahil ‘yun ang Speaker niya. So he’s the leader of the House, nakakausap niya. And ganoon pa rin ang sinasabi niya may banta daw sa buhay niya. Kami naman sa intelligence, the best intelligence we have is that we are not – we don’t know of any threat. Saan manggagaling ‘yung threat?” binigyan diin ng Commander-in-Chief.

Binigyan-diin ni Pangulong Marcos na mas makakabuti kay Teves na umuwi ng mas maaga at harapin ang kaso dahil may pagkakataon siyang maidepensa ang kaniyang sarili.



Kinokonsidera si Teves na “person of interest” dahil sa pagkakapaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo noon nakaraang Marso 4 sa loob ng kaniyang provincial residence sa Pamplona.

Nakasama rin sa napatay ang walong katao na pinagbabaril ng mga armadong kalalakihan habang namamahagi ng tulong si Degamo sa kaniyang mga local beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). (Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">