Advertisers

Advertisers

2 parak patay sa ‘accidental firing’

0 201

Advertisers

NATAGPUANG walang buhay ang dalawang pulis sa magkahiwalay na insidente ng “accidental firing” sa lalawigan ng Rizal, at Naga City, Camarines Sur.

Kinilala ang mga nasawi na sina Corporal Alex Hernandez, 30 anyos, nakatalaga sa San Juan Police Station; at Patrolwoman Charlene Monzales, dalaga, ng Barangay Binogsacan, Guinobatan, Albay at nakatalaga sa City Drug Enforcement Unit ng Naga City Police Office.

Sa inisyal na imbestigasyon, patay na nang matagpuan ng kanyang kapatid si Cpl. Hernandez sa loob ng kanyang kuwarto na may tama ng punglo sa ulo at katabi nito ang kanyang service firearm sa Greenwoods Executive Village, Barangay San Andres, Cainta, Rizal, Linggo ng hapon.



Nabatid na dalawang empty 9mm magazines at 15 ng bala ng 9mm at cleaning gun paraphernalia ang natagpuan ng mga awtoridad sa higaan ng nasabing pulis.

Sinabi ng pinakamatandang kapatid ng biktima na si Alvin Hernandez sa mga imbestigador na kinatok niya ang pintuan ng kuwarto ng kapatid at tinawag nito para mananghalian. Pero hindi sumagot ang biktima kaya binuksan na ang silid at tumambad sa kanya ang kapatid na duguang nakahandusay sa kanyang kama.



Natagpuan naman ang policewoman na may tama ng punglo sa kanyang noo sa loob ng kanyang nirerentahang Room 12C ng Cruz Apartment sa Magsaysay Street, Brgy. Concepcion Pequeña, Naga City, Linggo ng gabi.

Hawak ng policewoman ang sariling service firearm na nakahandusay sa higaan ng kanyang kuwarto at duguan ang ulo nito.



Sa ulat, 10:00 ng gabi, pinuntahan ng kanyang mga kasamahang pulis si Monzales sa kanyang apartment. Gayunman, nagulat sila nang makitang patay na ang dalaga at may tama ng punglo sa noo habang hawak umano nito ang sariling baril.

Masusi pang iniimbestigahan ng pulisya ang insidente.