Advertisers

Advertisers

Tsekwa nanuhol ng pulis, arestado!

0 161

Advertisers

ARESTADO ang isang Chinese national nang suhulan ng P100,000 ang mga pulis na humuli sa kanyang kaibigan dahil sa iligal na droga sa Taguig City.

Kinilala ng Taguig City Police ang nadakip at nanuhol na si Bin Li, 40 anyos, sales manager.

Nakumpiska sa suspek ang kanyang Alien Employment Permit (AEP) ID at 100 piraso ng tig-P1,000 bill na gagamitin bilang ebidensya sa pagsasampa ng kaso laban sa kanya.



Ayon sa imbestigasyon ng Taguig City Police, naganap ang panunuhol Marso 26 sa mismong tanggapan ng Taguig Police Substation 1 sa 40th Street corner 9th Avenue, Bonifacio Global City, Barangay Fort Bonifacio, sa lungsod.

Nauna rito, nagtungo ang suspek sa naturang police station at itinanong kung nasaan ang kanyang kaibigang si Deng Jiliang, 33, Chinese national, na nadakip sa iligal na droga.



Makaraan ang ilang minutong pakikipag-usap sa mga pulis, nakipagnegosasyon ang suspek sa mga operatiba na nanghuli sa kanyang kaibigan at iniabot ang P100,000 kapalit ng pagpapalaya kay Jiliang. Pero pinosasan ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act).

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">