Advertisers
ANG malawakang oil spill ang lalong dumiin sa kaharipan sa mga mangingisda sa Mindoro, sabi pa naman kamakailan ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang mangingisda raw ang may highest poverty incidence na 30.6 percent, sinundan sila ng mga magsasaka (30%), mga kabataan (26.4%) at indibidwal na naninirahan sa kanayunan (25.7%).
Sa naturang ulat ng PSA, pina-aalam sa atin kung sino ang sektor na pinaka-mahirap.
Sila rin daw ang may pinaka- mataas na poverty incidence noon pang 2015. Eh tingin ko, simula pa lang ng simula talagang ang mga sektor na ito ang di lang pinaka-mahirap kung di pinaka-kawawa na.
Gayong ang sektor ng mangingisda ang dahilan bakit mayroon tayong naihahain sa ating mga hapag kainan. Paanong nangyari? tanong natin.
Siguro magandang himayin muna natin. Una, bukod sa nangyaring oil spill, may mga tsengwang nagbabantay na, sa ating mga karagatan. Inaangkin nila ang ibang parte ng ating mga tubig-dagat at di tayo pinapayagang makahuli ng mga isda.
Pangalawa, kung maka-pang-isda man, bago pa lang pumalaot, kinokontrata na sila ng mga ‘pakyawero’ sa mahuhuli nilang mga isda sa mababang halaga.
At itong mapagsamantalang middle man ang nagpapataas ng presyo hanggang dumating sa palengke at mga suki nating tindera ang mga isda.
Kadalasan, kaya bumibigay ang ating mga mangingisda sa mga ito, ay nakakapangutang sila sa kanila. Nababaon hanggang sa palugi nang ibenta sa mga middle men ang kanilang mga huli.
Ganito rin ang nangyayari sa ating mga magsasaka at mga nag-aalaga ng mga hayop, kaya hanggang ngayon ay hirap sila.
Mabuti na lamang ay nai-revive ni Pangulong Bong Bong Marcos ang Kadiwa kung saan nasa tamang presyo ang pagbili sa ating mga mangingisda at magsasaka ng kanilang mga ani.