Advertisers

Advertisers

Teves camp: Pagkatapos ng tanim-baril, baka dawit sa droga naman?

0 226

Advertisers

Nagkaroon ng media forum ang mga legal counsel ni Negros Oriental 3rd District Rep. Arnie Teves Jr. sa Kamuning Bakery kanina sa pangunguna ni Atty. Ferdie Topacio.

Tinawag na April’s fool joke ni Atty. Topacio ang claim ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na 99 percent nang “solved” ang kaso ng pagpatay kay Negros Oriental Roel De Gamo.

Sa Pandesal Forum sa Quezon City, sinabi ni Topacio na palaisipan sa kanila kung ano ang batayan dito ni Remulla.



Ngunit tiniyak ni Topacio na hindi ang kanyang kliyente na si Cong. Teves ang nahuli ng National Bureau of Investigation (NBI).

Dahal nakausap niya pa ito at sinabing siya ay nasa ibang bansa pa rin.



Nangangamba din si Topacio na baka ang sunod na iparatang kay Teves ay droga o pinababawal na droga.

Sinabi ni Topacio na kung totoong 99 percent nang lutas ang kaso, paano pa maididiin sa kaso si Congressman Teves kung 0.1 percent na lang pala ang bahagi ni Teves sa kaso.



Anya kung tunay na hawak na ng otoridad ang umanoy “main player” sa pagpatay kay Degamo, bakit mag-aantay pa anya ng dalawang araw bago ito iharap sa Media.

Bukod kay Topacio, kabilang sa mga dumalo sa forum sina Atty. Rose Erames-Lovely, Negros Oriental-based lawyer ni Cong. Arnie Teves at Atty. Michael Mella.

Nababahala naman si Atty. Mella sa mga pattern ng mga reklamo ng psychological pressure at torture ng mga inaresto sa mga raids ng CIDG sa mga bahay ng mga Teves.

Umapela ang mga abogado kay DILG secretary Benhur Abalos na silipin ang involvement ng mga pulis sa alegasyon ng harrassment at torture, dahil ito rin ang hiling ng mamamayan ng Negros Oriental.

Nag-alala ang kampo at supporters ni Teves na baka gawin nga ang nauna nang nasagap nila na Intel noong Enero na ang fishing boat naman ng mambabatas ang taniman ng ilegal na droga naman.