Advertisers

Advertisers

Alak sa babasagin lagayan, nawa’y ipagbawal sa tabing dagat sa San Juan (Elyu)

0 140

Advertisers

Tawag nila’y Elyu (LU) La Union – matatagpuan sa Region 1.Sumisikat ang lalawigan ngayon dahil sa mapamosong surfing capital ng rehiyon sa bayan ng San Juan partikular na sa Barangay Urbiztondo.

Dinarayo ang lugar matapos mapanood sa social media ang kagandahan nito at mga iba’t ibang gimikan makaraang ibahagi ng mga nakapunta sa Urbiztondo ang kanilang karanasan lugar. Higit na dinarayo ay ang surfing, pangalawa na lamang ang swmming, pamamasyal sa iba’t ibang tourists spot sa karatig bayan ng San Juan.

Nitong nagdaang weekend, ang aking pamilya ay nasa San Juan bilang bahagi din ng selebrasyon ng kaarawan ni panganay, si Ate AA. Malapit lang ang San Juan. Ang travel time namin ay limang oras via TPLEX pero sabi nila kaya daw ito sa loob ng apat na oras. Okey na iyong limang oras, relax driving lang para sa seguridad ng pamilya.



Maganda nga ba ang beach sa San Juan? Para sa akin, okey lang. Huwag na natin ikompara sa Boracay. Kung baga, mayroon sariling taglay na kagandahan ang San Juan beach o pang-akit sa mga bumabalik sa lugar.

Malinis din ang kapaligiran kung saan talagang pinangangalagaan ito ng lokal na pamahalaan katuwan ang mga may-ari ng mga resort.



Pricey din ba sa San Juan? Hotels rates? Halos pareho lang din sa Boracay. Foods? Well, ang lahat ay depende na rin sa mga nagbabakasyon – kahit saan naman ay talagang mayroon mga kainan na pricey habang mayroon naman budget meals.

Karamihan sa mga nagpupuntang magbabarkada ay tumutuloy sa mga transient house. Affordable ang mga transient houses sa San Juan. Karamihan din sa kanila ay hindi kumakain sa mga mamahalin resto kung hindi sa mga maliliit na kainan kung saan ay okey naman ang foods. Pasado na rin sa panglasa, malinis at kayang-kaya ng bulsa.



Sa paglalagi sa lugar, dalawang gabi, naobserbahan ko na karamihan sa suki ng San Juan ay young professionals. May mga pamilya din pero kapansin-pansin na magbabarkada ang top attendance sa lugar.

Sa dalawang gabi, naobserhan ko na ang isa sa dahilan kung bakit binabalik-balikan ng maraming magkakatropa ang lugar. Maliban sa gusto nilang matutong mag-surf ay ang “party-party” sa gabi. Gimikan!

Kanya-kanyang gimik sa pang-akit ng turista ang pamunuan ng resorts lalo na iyong mga nasa beach front. Mayroon acoustic singers at mayroon “party nights” – sa tabing dagat nagaganap ang lahat. Kung baga, parang Boracay noon hindi pa ipinagbabawal ang mga party-party sa tabing beach.

Isa ito sa nakita kong dahilan kung bakit binabalikbalikan ito ng mga magbabarkada. Party…dance…inuman…lasingan!

Okey naman dahil pulos professional ang mga kustomer kaya ang lahat ay disiplinado. Walang gulo.

Pero heto ang napuna natin na sana’y aksyonan ng lokal na pamahalaan. Sa tabing dagat kasi – sa gabi ay puwedeng mag-inuman. Puwedeng magdala ng sariling alak at pulutan…at maki-joint (sabayan sa pagsasayaw) ang tugtugan ng mga resort na mayroon ginawang gimik. Bawal nga pala magluto sa tabing dagat para sa kalinisan ng kapaligiran.

Hindi tayo tutol sa mga nag-iinuman sa dating dagat, dahil mukhang pinapayagan naman ito. Wala naman kasi akong nakitang umiikot para sabihan ang mga kabataan na bawal ito.

Tropa-tropa ang nakitang kong may mga baon na alak, pulutang chichirya para mag-inuman sa tabing dagat at magsayawan. Masaya naman ang lahat….at uli, walang gulo. Disiplinado ang lahat kahit na wala akong nakitang rumoronda pulis o barangay tanod para magpapaalala.

Tulad ng nabanggit, hindi naman tayo tutol sa mga nag-iinuman – dahil I assume na hindi naman ito ipinagbabawal ng lokal na pamahalaan.

Pero sana, magbaba ng direktiba ang alkalde o gumawa ng ordinansa ang lokal na pamahalaan na ipinagbawal ang magdala ng inumin na nakalagay sa bote o anoman babasagin, sa tabing dagat. Bakit? Alam niyo naman na siguro kung bakit.

Hindi maiwasan ang aksidente – maaring may mga mababasag ng bote…at siyempre, ano ang gagawin ng mga makakabasag? Maaaring tatabunan lang nila ito ng buhangin…at delikado ito sa mga namamasyal sa tabing dagat.

Kaya nawa’y makarating ito sa kaalaman ng lokal na pamahalaan ng San Juan…oo, wala pa naman nangyaring aksidente na dulot ng mga binibitbit na babasagin lugar pero huwag na sana’y hintiyain pa ang lahat.

Ang suhestiyon natin, kung hindi naman bawal ang mag-inuman sa tabing dagat, sana’y ang mga inumin na puwedeng dalhin ay mga in cans o isalin sa ano man bagay na hindi babasagin ang alak. Sa paraang ito, maiwasan ang maaaring aksidente nang pagkakasugat dahil sa mga babasaging bote.