Advertisers
HINDI na bago sa ating pandinig na sa tuwing bago ang Philippine National Police (PNP) Chief ay marami itong promises na gagawin sa kanyang liderato, na siyang inaasahan ng mamamayan.
Sa liderato ng bagong talagang ama ng Pambansang Pulisya, si General Benjamin Acorda, Jr., ang pumalit sa nagretirong si Rodolfo Azurin, Jr., ang top priorities niya’y: pagbalik ng mga pulis sa kalye, sugpuin ang mga iligal na droga, insurgency, terorism, at walisin ang mga bugok na pulis sa kanilang hanay.
Maganda ito. Oo! Dapat lang talaga ibalik sa kalye ang mga pulis kesa magpakuya-kuyakoy ang mga ito sa loob ng malamig na opisina at naghihintay nalang ng doblado nilang suweldo, sahod at allowances.
Ang presensiya ng pulis sa kalsada ay malaking bagay para mabawasan ang street crimes tulad ng snatching, holdap at kaagad makakapagresponde kapag may mga nangyayaring carnapping, kidnapping o barilan.
Sa kampanya laban sa mga illegal na droga, wish natin ay hindi katulad itong si Acorda ng mga nakaraang Chief PNP na sangkot sa kalakalan ng “basura”.
Oo! Patunayan ni Acorda na galit na galit siya sa mga ipinagbabawal na gamot partikular shabu na kadalasan ang nasa likod ay mga awtoridad din o protektado ng ilang opisyal ng pulisya.
Sabi nga ng nagretirong PNP Chief na si Azurin, dapat masawata ni Acorda ang pagpasok ng iligal na droga sa mismong pinanggalingan niyang probinsiya, Ilocos!
Kapansin-pansin kasi ngayon na sa Ilocos na idinadaan ang pagpasok ng illegal drugs, parang nung panahon ni ex-President Rody Duterte na sa Davao City ipinupuslit ang illegal drugs mula sa mga bansa kungsaan namumugad ang mga sindikato ng droga. You know!
Dapat ding mahigpit na ipatupad ni Acorda ang ‘one strike policy’ laban sa mga police scalawags. Dahil dumadami na naman ang mga pulis na nasasangkot sa iba’t ibang kriminalidad partikukar sa Metro Manila. Just do it, General!
Bantayan!
***
Marami ang bilib sa sobrang kabaitan daw ni Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr.
Pero ang kabaitan na ito ni PBBM, na sa paglalarawan ng kanyang “Super-Ate” na si Senadora Imee ay hindi raw ito marunong magalit, ay inaabuso naman ng kanyang mga opisyal na halatang ang interes ay makilala para sa ambisyon din sa national politics. Mismo!
Mabuti nalang at nandiyan si First Lady Liza na alerto sa pagtama sa mga ginagawang kabulastugan ng mga political appointee.
Balita nga natin ay pagkatapos ng isang taon na election ban sa Hunyo ay maraming ulo ang gugulong sa kasalukuyang mga opisyal, na puros pagraraket nalang ang ginagawa at bagahe na ng Marcos administration.
Opo! Abangan natin ang pagsipa ni First Lady sa mga magnanakaw na opisyales ng kanyang mister. Magbalot-balot na kayo dyan, mga brad!
***
Bagama’t napakalayo pa ng 2025 local/national elections ay pinag-uusapan na ang pagtakbong mayor ni Sen. Imee Marcos sa Maynila.
Pero hindi raw ito papayagan ng pareng Kois. Sabi ng aking kaibigan, hinding hindi iiwanan ng batang Tondo ang Maynila, na isang termino nitong pinamunuan, matapos kumasa sa presidential nitong 2022.
Sa madali’t salita, determinado si Kois na makabalik sa Manila City Hall. Tandaan!