Advertisers

Advertisers

P910k ismagel na yosi nasamsam

0 194

Advertisers

Abot sa P910,000 na halaga ng sigarilyong gawa sa Indonesia ang nakumpiska ng mga pulis sa isang anti-smuggling operation sa Calarian, Zamboanga City nitong umaga ng Lunes, April 24, 2023

Sa magkahiwalay na pahayag, kinumpirma nitong Myerkules ng Zamboanga City Police Office at Police Regional Office-9 ang pagkakasabat sa naturang kontrabando na lulan ng isang sasakyan na minamaneho ni Abdulhakim Jambiran Ibrahim na nasa kustodiya na ng lokal na pulisya.

Ihahatid sana ni Ibrahim ang mga sigarilyong walang mga kaukulang papeles mula sa Bureau of Customs sa isang contact sa Calarian ng masabat ng mga operatiba ng Zamboanga CPO at ng PRO-9.



Ang operasyong nag-resulta sa pagkakasamsam ng mga sigarilyong Bravo ang brand na gawa sa Indonesia na isinagawa batay sa mga tip ng ilang residente ng Calarian.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">