Advertisers
Para sa kapakanan ng mga estudyante laban sa tindi ng init ng panahon ay pinaikli ang ORAS sa KLASE ng mga mag-aaral sa pampublikong eskuwelahan sa QUEZON CITY.
Ang pagpapaikli sa oras ng klase ay bunsod na rin sa hinaing ng mga mag-aaral at ng mga guro kung kaya naman ang QC SCHOOLS DIVISION OFFICE ay ipinaimplementa ang pagpapalit ng TEACHING MODALITIES.., na ito ay alinsunod sa kautusan ng DEPARTMENT OF EDUCATION sa pag-endorso ng MODULAR DISTANCE LEARNING sa panahon ng NATURAL DISASTERS, POWER OUTAGES/INTERRUPTIONS at iba pang kalamidad, kaya ang SDO-QC ay pinayagan ang iba’t ibang MODALITIES kabilang na ang SHORTENED CLASS PERIODS sa ilang mga pampublikong paaralan sa naturang lungsod.
Sa hakbang na ito para sa mga mag-aaral ay nagpahayag nang buong pagsuporta si QC MAYOR JOY BELMONTE para na rin sa pagprotekta sa mga estudyante laban sa EXTREME WEATHER CONDITIONS
“Our utmost priority will always be the welfare of our children. Since the summer heat is too much to bear, especially in classrooms, we welcome the implementation of blended, modular, or shortened class periods for public schools,” saad ni Mayor Belmonte.
Ang memorandum ay nag-aatas sa mga SCHOOL HEAD na kinakailangan mag-ulat ang mga ito ng kanilang WEEKLY DELIVERY MODE base sa CHANGING WEATHER na iniuulat ng PAGASA.
Para sa unang Linggo ng Mayo..,sa 95 ELEMENTARY SCHOOLS ay may 2 nakapag-implementa ng PRINT MODULAR; 13 ang BLENDED at 10 ang SHORTENED CLASS PERIODS.
Sa 63 SECONDARY SCHOOLS ay may 2 ang nag-implementa ng PRINT MODULAR; 26 BLENDED at 8 ang SHORTENED CLASS PERIODS.
Ang SHORTENED CLASS PERIOD ay.mula alas-6 ng umaga hanggang alas-10:30 ng umaga para sa MORNING BATCH at ang AFTERNOON BATCH naman ay mula alas-2:00 ng hapon hanggang alas-6:30 ng hapon.., na ang CHOICE OF MODALITY ay resulta sa mga isinagawang STAKEHOLDERS CONSULTATION.
Kaya naman mga ka-ARYA lalo na sa mga magulang na ang mga anak ay nagsisipag-aral sa PUBLIC SCHOOLS ay dapat po ninyong iklaro sa SCHOOL TEACHERS kung ano ang oras ng klase ng inyong mga anak.., dahil kung SHORTENED CLASS PERIOD ang kanilang sistema ay dapat bago magtanghali ay nakauwi na ang inyong.mga anak na nagsisipag-aral at sa panghapon naman ay bago mag-alas-2 ng hapon dapat aalis sa bahay ang inyong.mga nag-aaral na anak.., baka po ang inyong mga anak e nagbubulakbol na sa halip na nasa kanilang mga eskuwelahan hehehe!
***
PAKIKIRAMAY SA BAUTISTA FAMILY!
Ang ARYA ay nakikiramay sa pagyao ng MOTHER ng BAUTISTA FAMILY sa BULACAN na tagasubaybay ng ating kolum.
Bunsod nito ang 7 MAGKAKAPATID sa BAUTISTA FAMILY ay ipinababatid sa lahat nilang kamag-anakan at mga kaibigan na nitong nakaraang Huwebes ay namayapa ang kanilang mother na si LAURENCE PADUA BAUTISTA sa edad na 77.., ito ay nakaburol sa VILLARIN FUNERAL SERVICES, CASA BURGOS, BRGY. POBLACION, STA. MARIA, BULACAN.
Ang namayapa ay nakatakdang ihatid sa huling hantungan nito bukas (May 9, 2023) sa PROVIDENCE PARK CEMETERY, GAYAGAYA, SAN JOSE DEL MONTE CITY, BULACAN.
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.