Rozz niliwanag ang pagdala sa korte ng kaso vs veteran singer; Faith healer type sundan ang yapak ni Ramon Revilla, Sr.
Advertisers
Ni BOY ROMERO
ANG “Hiwaga” ay isang fantaserye at horror film. Produced ito ng Phil Stagers Films, mula sa script at direksiyon ni Vince Tanada,
Bida rito ang faithhealer na si Nick Banayo at ayon sa kanya ay enjoy siya sa shooting, di napapagod sa kanyang mga eksena dahil gusto raw niya ang kanyang ginagawa.
Aniya pa, sa pelikulang ito ay ipakikita nila ang goodside ng mga engkanto tulad ng mga kapre, tikbalang, aswang at iba pa. Mali raw kasi ang iniisip ng mga tao na puro masasama ang mga engkanto.
Kaya balak ni Nick na isali ito sa darating na Metro Manila Film Festival dahil pambata ito and for all ages.
Sa pakikiharap ni Nick sa amin sa 1st shooting day ng said film sa Quiapo, ang location at sa preskon niya, nasabi niya na hanga siya sa kanyang direktor dahil mabilis, masarap, at magaan ka-trabaho si Direk Vince.
Gusto niyang sundan ang yapak ng kanyang idolong si Ramon Revilla, Sr. Lahat daw ng pelikula nito ay kanyang napanood kahit yung iba ay malabo na. Balak daw niyang bilhin ang mga ito. Sayang nga lang daw at di niya nakita nang personal ang idolo pero naimbitahan naman daw siya nina Jolo Revilla na madalaw ang puntod nito.
Type din niyang makasama si Maja Salvador dahil pang-aksiyon din daw ito. Sa tingin naman daw niya ay makasasabay siya sa bilis ni Maja.
Masaya si Nick dahil natupad na rin ang pangarap niyang mapanood siya sa isang mainstream movie, napapanood na rin daw siya dati sa kanyang Youtube Channel at gumastos pa siya ng 7-M.
Bigatin ang susuporta kay Nick sa “Hiwaga.” Tulad nina Isko Moreno, Pekto, Snooky Serna, Elizabeth Oropesa, John Rey Rivas, Ynez Veneracion at ang beauty queen na si Gazini Ganados, ang leading lady niya.
***
MULING umuwi ng Pilipinas ang US-based Pinay singer na si Rozz Daniels at ang matalik niyang kaibigan na si Irelyn Arana from Chicago, na isa ring singer, upang magdaos ng isang concert na may titulong “Rocks & Rozz Show” sa The Music Box, Timog, Quezon City.
Kabilang sa nasabing concert ang tatlong local male singers na nasa ilalim ng pangangalaga ni Miss Rozz; sina Jerome Sang, Harold Jess Evangelista, at Derf Dwayne. Hindi naman nabigong masaksihan ng mga piling miyembro ng entertainment media ang pa-sample sa pag-awit nila, iba’t ibang genre ang kanilang ipinamalas, napakahusay ni Harold sa pagbirit, samantalang ma-iinlove ka naman sa charm at boses ni Jerome, super kilig ang hatid ni Derf, at hindi rin naman nagpatalbog ang mala-soul Diva na si Irelyn, at siyempre ang star of the night na si Miss Rozz ay nagpa-indak sa kanyang awitin.
Nagbigay kulay din ng gabing iyon ang duet nina Rozz at ng kanyang PR/Manager, Miss Blessie Cirera.
Isa sa naging importanteng bahagi sa kaganapan ng araw na iyon ang media conference kung saan humarap ang limang performers upang makumusta at matanong ng mga reporter.
Sa simula pa lamang, nausisa na agad ang kontrobersyal na sigalot sa pagitan ng kampo nina Rozz Daniels, Irelyn Arana at ang kilalang singer na si Ivy Violan. Hiningan ng update sina Rozz at Irelyn hinggil dito.
Isang kumpirmasyon ang binitiwan ni Rozz na nagsampa na nga siya ng pormal na reklamong sibil- “Small Claim” sa korte ng Wisconsin, at sa ngayon ay may mga hearing na ang natapos, subalit hindi pa sila nagkaharap nang personal sa korte ni Ivy dahil via zoom pa lamang ang naging procedure ng hearings. Pero sa susunod na hearing in June, required na pumunta sila sa korte nang personal, at doon paniguradong magkikita na silang dalawa sa korte.
“It’s civil laws…it’s a “Small Claims”, meaning I claim all the money, all the transactions that I’ve been given to her…in equivalent of pesos, I believe it’s Five Hundred Thousand Pesos (500,000). Sa akin naman kaya ko ginawa yung “small claims” kasi hindi niya na-produce ang promise niya na ilalabas niya ang album on seven songs, I paid all the songs… [so ‘you don’t produce my songs’… why not give back my money] …and I’m sure na hindi mangyayari yun kung hindi ko siya dadalin sa korte’” pahayag ni Rozz.
“Sa ngayon, still ongoing…next hearing is June 14, 2023…naka 3rd hearing na…the first two ones are via zoom, supposed to be video conferencing, but on June 14 is actual na she needs to be present at Wisconsin court.”
“Hindi ko sana gagawin…pero I just want na matigil ang ginagawa niya, hindi lang para sa akin…para sa kaibigan ko… sa lahat ng mga nagkaroon ng ganito. I think it’s a moral lesson na hindi lahat natatakot, habang tinatakot mo,” dagdag pa ni Miss Rozz.