Advertisers

Advertisers

Astrolabio bigo sa world title fight

0 136

Advertisers

ANG major world bantamweight title ay nakataya sa Stockton, California nang ang two-time title challenger na si Jason Moloney ay binangga ang Filipino warrior na si Vincent Astrolabio sa co-main event ng Top Rank show nitong Linggo (Philippine time).

Natupad ang pangarap ni Moloney (25-2, 19 KOs) nang manaig ito via majority decision laban kay Astrolabio (18-3, 13 KOs) sa scorecards: 114-114, 115-113, at 116-112.

Nakuha ni Moloney, rated No. 2 sa bantamweight ng The Ring, ang WBO belt na binakante ni dating undisputed champ Naoya Inoue ng Japan. Si Astrolabio au umakyat sa ESPN+ streamed bout bilang No. 4 bantamweight ng The Ring.



Ang dalawang boksingero ay kapwa umatake para makontrol ang sentro ng ring. Si Astrolabio, galing sa six-bout win streak (kabilang ang upset laban sa dating kampeon na si Guillermo Rigondeaux), ay mas agresibo sa bawat round pero si Maloney ay napanatili ang epektibong opensa (mainly jabs). Pumapasok ang mga jab ni Maloney at one-two combos niya habang umaanggulo sa 3nd round. Gumagawa ng mga pag-atake si Astrolabio para sa kanyang uppercuts pero iniikutan lang siya ni Moloney.

Nagpalitan ang dalawa ng power shits sa Round 3. Nakapatama si Astrolabio ng malaking kanan na nagpaatras kay Moloney bago tumunog ang bell pero hindi bumigay ang mga paa ng huli at mabilis na nakarekober sa kanyang mga galaw.



Sinimulan ni Astrolobio ang 4th round ng pagpapakawala ng mabibigat na suntok pero napanatili ni Moloney ang kanyang mahusay na footwork kungsaan nahirapan ang Pinoy na matamaan ito.

Sa 5th round, naging komportable si Moloney at ibinaba na niya ang kanyang high guard habang bumagal na si Moloney. Habang nakakapatama ng magandang kanang jabs si Moloney sa pagtatapos ng round, nahirapan naman siyang iwasana ng mga jab ni Moloney.



Naghabol si Astrolabio sa Round 6 nang maramdamang lamang ang kalaban. Nakapatama siya ng magandang kanan nang pumasok si Moloney. Pero matibay ang baba ni Moloney at patuloy ito sa kanyang mga jab, nakagawa ng mga puntos. Habang pinauulanan ni Moloney ng jabs si Astolabio panay naman ang miss ng huli kungsaan sa CompuBox stats tallying ay 18% lang ang connection rate ng Pinoy hanggang sa matapos ang laban.

Nagawang makapatama ni Astrolabio ng matinding short left hand sa pagtatapos ng Round 8 pero nilaro lang siya ni Moloney, hindi nakapag-followup si Astrolabio. Umatake uli si Astrolabio pero nagkober lamang si Moloney habang pinauulanan ng Pinoy. Kapag tumigil si Astrolabio sa pag-atake, tuloy uli sa kanyang jabs si Moloney hanggang matapos ang round.

Ganito rin ang ginawa ni Moloney sa mga sumunod na round hanggang matapos ang laban at itaas ang kanyang kamay bilang bagong kampeon ng dibisyon.