Advertisers

Advertisers

Brgy. Kagawad ‘di dumadalo sa drug inventory pinakakastigo ng QC police sa DILG

0 206

Advertisers

NAIS ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) na kastiguhin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga Brgy. Kagawad ng Pasong Tamo, QC na hindi umano dumadalo sa mga drug inventory sa barangay sa tuwing may drug inventory ng ilegal drugs ang mga awtoridad sa mga huling drug suspek sa naturang barangay.

Ayon sa ilan tauhan ng Quezon City Police na tumangging magpabanggit ng kanilang pangalan dapat umanong kastiguhin ng DILG ang mga Brgy. Kagawad na hindi umano dumadalo sa mga isinasagawang drug inventory ng mga pulis sa tuwing may mga huling drug suspek sa kanilang barangay

Nabatid pa sa source mula sa QC police kabilang umano ang mga barangay na nahihirapan umano silang magpatawag ng mga kagawad sa tuwing may huling drug suspek ang mga awtoridad ay dyan sa Brgy. Pasong Tamo, QC.



“Nahihirapan kaming magpatawad ng mga Brgy. Kagawad dyan sa Brgy. Pasong Tamo, QC sa tuwing may drug operation ang mga pulis para mag-witness ang mga ito (Kagawad) sa drug inventory sa mga nahuhuling drug suspek,” ayon pa sa source mula sa QC police na tumangging magpabanggit ng kanilang pangalan.

Ayon pa sa mga operatiba ng QC police na nagtataka umano sila kung bakit hirap na hirap umano silang magpatawag ng barangay kagawad dyan sa Brgy. Pasong Tamo at may pagkakataon pa umano na minsan inaabot sila ng umaga sa area (on site investory) sa pag-aantay sa brgy. kagawad.



“May mga pagkakataon pa minsan muntik pa kaming mademanda ng mga hinuli namin drug suspek matapos madismis ang kaso namin isinampa dahil walang dumating na barangay kagawad sa isinagawa namin drug operation (drug inventory)” ayon pa sa QC police operatives na tumangging magpabanggit ng kanilang pangalan.

Sinabi pa ng QC police operatives na halos hindi rin umano nakikipag-cooperate ang mga barangay kagawad ng Brgy. Pasong Tamo kapag may isinasagawang drug operation ang mga tauhan ng QC police dahil hindi umano lumulutang ang mga ito sa drug inventory sa mga nahuhuling drug suspek pagdidiin pa ng mga police operatives.



Samantala kaugnay nito sinigundahan naman ng ilang Barangay Public Safety Officer (BPSO) o Barangay Tanod ng Brgy. Pasong Tamo, QC ang pahayag ng mga QC Police na tumangging magpabanggit ng kanilang pangalan na mismong sila ay nahihirapan din tawagan ang kanilang mga barangay official sa tuwing may huling drug suspek sa kanilang barangay at hindi pakikipag-tulungan umano ang mga ito.

“Ginagawa ng mga pulis ang kanilang trabaho para malinis ang aming barangay sa problema ng iligal na droga ang problema ang mga barangay official namin (kagawad) hindi nakikipag-tulungan,” ayon sa BPSO na tumangging magpabanggit ng kanyang pangalan.

Kaugnay nito sinikap naman ng sumulat na makuha ang panig ng mga kagawad ng Brgy. Pasong Tamo, QC subali’t nabigo ang sumulat na makuha ang panig ng mga naturang barangay official.(Boy Celario)