Advertisers

Advertisers

Gilas swak sa semis ginulpi ang Singapore

0 148

Advertisers

PASOK sa semifinals ang Gilas Pilipinas men matapos durugin ang Singapore, 105-45, sa pagtiklop ng elimination round ng 32nd Southeast Asian Games basketball tournament Sabado sa Morodok Techo Stadium Elephant Hall 2 sa Phnom Penh.

Malaking ganti ito ng Nationals matapos yumuko kontra sa nagpalakas na Cambodia, 79-68, para makakapit sa No. 2 seed ng Group A hawak ang 2-1 kartada.

Makakatapat ng Gilas sa semis ang Indonesia o kaya Thailand na magi­ging No. 1 team ng Group B para sa misyong mapa­na­tiling buhay ang pag-asang mabawi ang gintong medalya.



Parehong may 2-0 kar­tada ang Indonesians at Thais papasok sa krusyal na duwelo nila ngayon para sa liderato ng Group B bago ang semis Lunes.

Siniguro ng Gilas na makakapasok pa rin sa Final Four matapos rumatsada agad sa 29-5 na iskor kontra sa winless na Singapore tungo sa kumbinsidong 60-point na panalo.



Trumangko sa mada­ling tagumpay ng Filipinos si Marcio Lassiter na may 16 puntos habang tumikada ng all-around na 12 puntos, 6 rebounds, 8 assists, 2 steals at 1 tapal si natura­lized player Justin Brownlee.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">