Advertisers

Advertisers

LIFESTYLE CHECK SA PDEG OPERATIVES!

0 125

Advertisers

SUMAILALIM sa lifestyle check ang mga miyembro ng Philippine National Police – Drug Enforcement Group (PNP-DEG).

Ito ay alinsunod sa ibinabang kautusan ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr na salaing mabuti at i-background check ang lahat ng mga pulis na matatalaga sa anti-drug operations.

Sinabi ni PDEG Director Police Brig. Gen. Faro Antonio Olaguera, kada anim na buwan isasagawa ang nasabing lifestyle check kabilang na rin siya dito.



Ayon kay Olaguera, handa rin siyang pumirma ng bank waiver kung kinakailangan para mabusisi ang kanyang mga bank accounts.

Giit ni Olaguera, hindi paglabag sa karapatang pantao ang naturang profiling dahil obligasyon ng isang public officer na mapanatili ang tiwala ng publiko.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">