Advertisers

Advertisers

Resbak, De Lima

0 140

Advertisers

MAINIT nang pinag-uusapan ngayon ang pagka-dismiss sa isa sa dalawang nalalabing kaso laban sa dating Justice Secretary at dating Senador Liela De Lima.

Ang nadismis na kaso ang unang isinampa at masasabing “mother of all cases” laban kay De Lima. Ito yung ipinangolekta raw siya ng pera sa convicted drug lords sa National Bilibid Prison ni noo’y Bureau of Correction (BuCor) chief Rafael Ragos para magamit niya sa kanyang pagtakbong senador noong 2016.

Pero nang matapos ang termino as President ni Rody Duterte, binawi ni Ragos ang lahat ng kanyang testimonya laban kay De Lima. Ibinunyag niyang pinilit lamang siya magsinungaling ni noo’y Justice Secretary Vitaliano Aguirre na appointee ni Duterte. Si Aguirre ay nasibak sa DoJ dahil sa pagkasabit sa pangingikil ng mga “bata” niya sa Bureau of Immigration!



Una nang nabasura ang isa pang kaso ni De Lima noong 2021 nang bawiin din ng mga convicted drug lord ang kanilang testimonya laban kay De Lima. Pinilit lang daw kasi sila na idiin ang noo’y Senadora na numero unong kritiko ni Duterte sa mga paglabag sa karapatang pantao.

Sa pagkabasura sa dalawa sa tatlong charges laban kay De Lima, ewan lang natin kung may masilip pa ang korte na magdiin sa dating mambabatas sa nalalabing kaso nito.



Sabi ng abogado ni De Lima, sa Hunyo nakatakda ang pagdinig sa huling kaso ni De Lima. Abangan natin!!!

Anim na taon nang nagdurusa si De Lima sa PNP Costudial Center. Napagkaitan siyang bigyan ng pansamantalang kalayaan kahit halatang gawa-gawa ang mga ikinaso sa kanya.



Labag sa Konstitusyon ang pananatili ni De Lima sa kulungan nang hindi umuusad ang kaso. Tulad lang ng nangyari sa dating Chief of Staff ni ex-Senate President Juan Ponce Enrile na si Atty Gigi Reyes na kinasuhan ng Plunder. Pinalaya ng Korte Suprema si Reyes matapos maghain ng ‘Habeas Corpus’ ang abogado ng huli, kinuwestyon ang pananatili sa kulungan ni Reyes ng higit limang taon nang hindi umuusad ang kaso.

Kapag nadismis ang natitirang kaso ni De Lima, dapat resbakan niya ang mga nagpakulong sa kanya tulad nina Aguirre at dating SolGen Jose Calida. Ang dalawang ito ay hindi naman gagalaw kung hindi inutusan ng “Tatay” nila. Tama?

Dapat kasuhan din ni Ragos at ng mga drug lord ang gumamit sa kanila para idiin si De Lima kung talagang nakonsensiya sila sa pakikipagsabwatan sa mga opisyal ni Duterte noon.

***

Aminado si ex-President Duterte na tama si Pres. Marcos na maraming pang-aabuso ang nangyari sa kanilang “war on drugs” kungsaan namayagpag ang drug lords!

Kasi nga binulag siya ng mga “tao” niya sa Malakanyang at PNP tungkol sa pag-identify sa mga sangkot sa droga tulad lang nina Peter Lim at mga Intsik na barkada ng ilan niyang anak tulad nung mga nasangkot sa P6.4 billion shabu sa Valenzuela City at iron lifters na nasabat sa MICP at warehouse sa Cavite na puno ng shabu. Nabura na ang isyu rito!