Advertisers
SINALAKAY ng mga awtoridad ang isang compound na nabistong “nagpapa-ihi” o iligal na nagpapakarga ng LPG sa mga tangke sa Barangay Toro, Quezon City.
Sa ulat, puwersahang pinasok ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group sa compound sa bisa ng search warrant nang hindi papasukin ng guwardiya ng compound.
Nagsasagawa umano ang estasyon sa compound ng “paihi” o iligal na pag-refill ng mga tangke.
Aabot sa 200 tangke ang nakumpiska ng pulisya.