Advertisers
PATAY ang isang ginang at sugatan ang anak nitong babae nang pagbabarilin sa bayan ng Bula, Camarines Sur noong Biyernes.
Kinilala ang nasawi na si Gigi Memes, 37 anyos; habang sugatan ang 11-anyos nitong anak na babae na mga residente ng Zone 4-B Barangay Casugad, sa nasabing bayan.
Sa report ng Bula Police Station, 5:00 ng umaga nang maganap ang krimen sa loob ng bahay ng mag-ina.
Lumabas sa imbestigasyon na pinasok ng hindi pa kilalang kalalakihan ang bahay ng mga biktima sa pamamagitan ng pagdaan sa likod at pinagbabaril ang mag-ina.
Tinamaan sa dibdib ang ina, habang sa braso naman ang anak nito.
Kaagad na tumakas ang mga salarin.
Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya.