Advertisers

Advertisers

Caloocan LGU, handa na sa papalapit na bagyong Mawar

0 120

Advertisers

Inatasan ni Mayor Along Malapitan ang mga tauhan ng Caloocan Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) na maghanda at i-monitor ang paparating na bagyo sa bansa.

“Nagpatawag po tayo ng command conference kasama ang Caloocan Disaster Risk Reduction and Management Council bilang paghahanda sa Supertyphoon Mawar,” wika ni Mayor Along.

” Bagama’t papuntang extreme Northern Luzon po ang tinatahak na landas ng bagyo, tinitiyak po natin ang kahandaan ng iba’t-ibang departamento na rumesponde sa anumang sakuna at mag-abot ng tulong sa mga posibleng maapektuhan ng labis na pag-ulan,” pahayag pa ng Alkalde.



Ayon kay CDRRMO Officer-in-Charge Dr. James Lao, may inilatag na silang preparasyon para masiguro na magiging ligtas ang lahat ng mga residente ng lungsod.

Maging ang mga asset ng lokal na pamahalaan ng Caloocan naka-stand by na rin sakaling magkaroon ng emergency kapag tumama na ang bagyo.

Sinabi ng alkalde, ngayon pa lamang maiging handa ang lahat upang hindi magkaroon ng problema sa magiging epekto ng bagyo.

Pinagana na rin ng Caloocan Local Government Unit (LGU) ang kanilang centralized 24/7 emergency hotline gayundin ang bagong Alert and Monitoring Operations Center na makikita sa iba’t ibang bahagi ng lungsod.

Pinakalat na rin nila ang 12 bagong emergency and rescue vehicles para mas mapabilis pa sa pagresponde.

Bilin naman ng alkalde sa Caloocan DRRMO, siguraduhin na makakaresponde ng lima hanggang walong minuto kapag may emergency situation.



“Mga Batang Kankaloo, wala na pong mauuna sa paghahanda tuwing may papalapit na bagyo. Makinig po tayo sa balita at antabayan ang mga anunsyo ng Pamahalaang Lungsod hinggil sa Supertyphoon Mawar,” paalala pa ni Mayor Malapitan.(BR)