Advertisers

Advertisers

Suspek sa rape-slay sa 8-anyos sa Lucena tigok sa selda

0 239

Advertisers

ISANG araw matapos ang pag-amin ng salarin sa paghalay at pagpatay sa 8-anyos na batang babae sa Lucena City, malamig na bangkay na itong natagpuan sa kulungan sa Quezon.

Ayon sa Lucena City Police, natagpuan ang bangkay ni Julius Rodas, 19 anyos, 12:45 ng madaling araw nitong Linggo sa palikuran ng piitan na may tali sa leeg.

Dinala pa si Rodas sa ospital ng City Disaster Risk Reduction and Management Office ng Lucena City pero idineklara itong dead on arrival sa pagamutan.



Matatandaan na ang biktima ay natagpuang walang saplot, may busal sa bibig, at nakagapos sa isang bakanteng lote sa Gulang-Gulang, Lucena City noong Miyerkules ng umaga.

Si Rodas ang tumawag sa barangay nang nakita aniya ang bangkay ng biktima. Hindi naglaon, base sa imbestigasyon at kuha ng CCTV, napag-alaman na si Rodas pala ang huling nakitang kasama ng biktima.



Nang mahuli, inamin ni Rodas ang nagawang krimen.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">