Advertisers

Advertisers

Banggaan ng motorsiklo at military truck: 2 todas

0 149

Advertisers

NASAWI ang dalawang motorista nang mabangga ng military 6×6 military truck nitong Linggo sa isang liblib na barangay sa Zamboanga City.

Sa isang inisyal na pahayag nitong Lunes ng Zamboanga City Police Office, nasawit ang magka-angkas sa motorsiklo na sina Randy Delos Reyes Rico, 41 anyos; at Arcel Vertudez, 40.

Malubha namang nasugatan sa aksidente ang isa pa nilang kasama na si Jaycee Ramos, 25.



Naganap ang banggaan ng motorsiklo at 6×6 truck ng Philippine Marines sa highway sa Barangay Sinubong, Zamboanga City 4:45 ng hapon nitong Linggo.

Sakay ng isang motorsiklo ang tatlo, na ayon sa mga saksi, lumampas sa kaliwang bahagi ng highway na may kurbada kaya sila nabundol ng kasalubong na truck ng Marines.



Agad namang nagpakustodiya sa mga pulis na nagresponde sa insidente ang driver ng military truck na si Omar Agalot Ekong .

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">