Advertisers
Ni JOVI LLOZA
MAHABA-habang usapan pa itong sigalot sa pagitan ng TVJ at TAPE Inc. dahil di naman naging maganda ang pagpapaalam ng TVJ sa halos 44 years nilang pagiging host ng Eat Bulaga.
Bukod pala sa di nila magagamit ang Eat Bulaga title sa paglipat ng TVJ sa TV5, aba pati pala Dabarkads na sa TVJ nagmula ay ayaw na rin pagamit.
At etong June 07 ay iaanunsiyo na ng TVJ kung saang network nga sila bagong mamamahay.
Taliwas na rin sa paramdam ng TVJ sa kanilang mga post na TVJ sa TV5.
Hindi raw nila kailangang patagalin ang pag ere dahil may mga taong magugutom kasi halos lahat ng production staff ay sumama sa TVJ.
Kaya ang tanong, ano na nga ba ang itititulo ng TVJ sa kanilang bagong programa ngayong ayaw pagamit ultimo ang Dabarkads ng TAPE Inc.?
At ang kakaloka pa ay pati pala Fan Page ng Eat Bulaga ay gustong kunin ng CEO ng TAPE Inc.
Sinubukan nito na hingin ang password sa headwriter na siyang gumawa ng Fan Page ng Eat Bulaga pero ayaw nito ibigay. Bakit pa eh lumayas na sila sa TAPE Inc.?
Paano ba naman di maghahabol, may 15M mahigit na followers at may 18M likes ang nasabing Fan Page kaya ganun na lang kaatat ang Tape Inc.na mabawi ang EB Fan Page.
Kaya habang inaayos pa ang kanilang bagong tahanan ay sa Fan Page ng EB muna sila gumagawa ng mga Live para wala ma-miss ang Dabarkads na ayaw na rin pagamit ng TAPE Inc. sa lilipatan ng TVJ.
Naku po, mukhang magkokortehan pa para sa mga titulo kung sino talaga ang may ari.
***
MJ GROOVE HAHATAW SA DAMI NG GIGS, PAGSASAMA NG MAHUHUSAY
WALANG kuwestyon sa grupong MJ Groove dahil super duper gagaling ng bandang ito.
Panalo ang mga line-up ng songs na kanilang isinasalang na talagang patok sa lahat.
With Mark Justo na vocalist ng MJ Groove, aba panalo dahil produkto ito ng singing search sa sikat na noontime show din na It’s Showtime na Tawag Ng Tanghalan na kung saan ay walong beses itong nakipagbakbakan para makopo ang golden mikropono sa TNT.
Bata pala lang si Mark ay mga kasamahan na sina Benzer, Dexter, Flonie at Butch ay musika na talaga ang kanilang kinahihiligan kaya nagpasiya at nagdesisyon na bumuo ng banda na tinawag na MJ GROOVE.
Well, ang bumubuo ng grupong MJ Groove ay sina Mark Justo – Vocalist
8x Defending Champion, semifinalist, Tawag ng Tanghalan, Benzer Redoble – Keyboardist, Dexter Ambatali – Lead Guitarist, Flonie Reymon Juno -Bassist, Butch Dela Cruz – Drummer.
Kaya abangan ang MJ GROOVE na bigla na lang manggugulat sa Earth.
Let’s rock very very soon! Well, well, well…’Yun na!