Advertisers

Advertisers

Brgy. Chairman ng QC pinatawan ng 90 day suspension

0 2,065

Advertisers

PINATAWAN ng 90 day suspension ang Barangay Chairman ng Pasong Tamo ng Quezon City na si Brgy. Captain Mae Tagle ng Special Investigation Committee ng Quezon City Council nitong Huwebes dahil sa kasong abuse of authority.

Kaugnay nito inihain ng Quezon City’s Office of the City Attorney ang isang suspension order laban kay Tagle, na nagpalawig pa sa unang 30-araw na suspension na inihain dito nitong buwan ng Hunyo dahil umano sa abuse of authority charges.

Ito ay matapos kumpirmahin ng Quezon City Council ang resolusyon ng Special Investigation Committee ‘sa kaso ng Jalandoni vs Tagle, na naka-docket bilang Administrative Case No. 424-23’ para sa “simple negligence.”



Nabatid na si Mark dela Cruz Jalandoni, residente ng barangay ay nagsampa ng Administrative Case 424-23 laban kay Tagle dahil sa Abuse of Authority and Misconduct, Unbecoming of Goverment Official sa ilalim ng Local Goverment Code.

Ayon sa ulat na si Jalandoni, sa kanyang reklamo, sinabi na pinahintulutan si Tagle ang mga operasyon ng perya sa loob ng ilang araw, na lumikha ng trapiko sa pambansang kalsada sa harap ng kanyang bahay.



Kaugnay nito ang ‘Implementing Order’ ng isa pang 30-araw na suspensiyon ng walang bayad, na nilagdaan ni City Attorney Orlando Paolo R. Casimiro ay nagsasaad na dapat ‘tumigil at huminto’ si Tagle sa pagganap ng kanyang mga tungkulin bilang Punong Barangay.

Samantala, isa pang 30-araw na suspension order ang malapit nang ihain kay Tagle sa susunod na Linggo kaugnay sa kasong Grave Abuse of Authority, Gross Negligence at Conduct Unbecoming of Public Official na inihain ni barangay Sangguniang Kabataan chairperson Jane Pauline R. Diaz.



Inihain ni Diaz ang Administrative Case 426-23 dahil sinabi niyang hindi inilabas ni Tagle ang SK share sa taunang budget ng Barangay Pasong Tamo, na nagpatigil sa lahat ng kanilang mga aktibidad at proyekto.

Ang 38-miyembrong Konseho ng Lungsod ay sumang-ayon sa parehong mga kaso na dinidinig ng SIC, sa pamamagitan ng isang memorandum ng kasunduan, ang konseho ay pumasok kasama ang Opisina ng Ombudsman upang tulungan ang graft court na bawasan ang mga kasong administratibo na inihahain dito.

Si Tagle, na naunang sinuspinde dahil sa kanyang pagpapaalis sa buong fire brigade ng banragay noong Hulyo ng 2022.

Sinikap naman ng sumulat na makuha ang panig ni Tagle subali’t nabigo ang sumulat na makontak ito. (Boy Celario)