Advertisers
NAG- inhibit ng sarili ang hukom sa natitirang kaso ni dating senador Leila de Lima. Matatandaan na hindi pinagbigyan ni Hukom Romeo Buenaventura ang hiling ns makapiyansa ang dating senador sa huling kaso niya. Umani ng sangkaterbang batikos si Hukom Buenaventura dahil sa conflict of interest. Ang pagbawal sa sarili ni Buenaventura ay bunga ng lumantad na salungatan o “conflict of Interest”. Lumabas na ang naturang hukom ay kapatid ni Emmanuel Buenaventura, na tumulong kay Ronnie Dayan na gumawa ng patotoo, o “affidavit” sa kaso laban kay dating senador Leila De Lima, na sa kalaunan lumabas sa testimonya, na si Dayan ay pinilit na pumirma.
Ang naturang hukom at kanyang kapatid ay galing sa isang pamilyang pulitikal sa Oriental Mindoro. Parang lindol na naganap noong Huwebes ang balitang ito sa panig ng prosekusyon. Bakit ko nasabi yon? Una, natibag na naman ang pader nila, at mapipilitan silang maghanap ng hahalili kay Judge Buenaventura. Hindi ito maganda para sa kanila dahil nagpaparang sakag ang kanilang kaso na kailanman hindi makakaipon ng tubig. Matapos ang “dirty deed” ni Hukom Buenaventura maaaring naantala ang paglaya ng dating senador, ngunit batid ng madla na walang batay ang kaso, at batid din na wala nang katuturan ang anumang hakbang na nagiging isang kalbaryong tinik ang katigan ang depensa para sa prosekusyon. Kay sa sinumang papalit kay Judge Buenaventura ang masasabi ko lang ay “good luck” sa pagsalok ng tubig sa lumulubog niyong bangka gamit ang pansala. Kay Leila De Lima, manalig lang dahil napapatunayan na ang kawalang-sala niyo, at ang mga umuusig sa inyo ay nananatiling bilanggo ng kanilang budhi. Sa inyo, at sa ating lahat, Kasihan nawa tayong lahat ni Poong Kabunian.
***
MATAGAL ko na napupuna na tuwing sasapit ang okasyon na katulad ng Pasko, Bagong Taon, o Araw Ng Kasarinlan, naglilipana ang mga patalastas, na nagparang kabute, na kumakabit sa okasyon. Lalo na sa social media, napapansin ko na ikinakabit na pilit ang kanilang produkto. Halimbawa, noong nakaraang Araw ng Kasarinlan naglabasan ang adverts ng isang gusali sa Taft Avenue, ang Torre de Lorenzo. Sa naturang advert pinakikita ang imahe ng isang binatang naka barong tagalog, na natatitignsa bandila ng Pilipinas, at nakasulat sa ilalim nito ang mga katagang “Independence Day Activities.” Sa karamihan walang masama ito, lalo na at pinahihiwatig ng naturang kumpanya ang magiging makabayan nito, lalo na sa Araw Ng Kasarinlan. Hindi ko kinukuwestyon ang paraan ng pamamalastas ng sinuman. Ngunit sa opinyon ng inyong abang lingkod, bukod sa mensahe ng Hunyo 12, may nakatagong mensahe ito na tinatawag natin sa propesyon ng pananalastas na “subliminal Indoctrination.”
\
Ito ang nakatagong mensahe sa loob ng isang mensahe. Halimbawa, mas magiging makabayan ako, o mas mapapakita ko ang aking pagiging makabayan kapag bumili ako ng unit sa Torre De Lorenzo. Walang pagkakaiba ito kung ang produkto ay condo o hopia. Ang mensahe ay may kalakip na ibang mensahe na kadalasan nakatago sa loob ng batid na mensahe. Inuulit ko, hindi ko kinukwestyon ang pamamaraan ng sinuman, o anumang grupo na nagnanais mamamalastas. Ngunit maghanda sila sa maaanghang, at minsang matabil na pagtatanong. Sabagay, matapos ang halos apat na dekada sa larangan ng patalastasan, ano nga naman ang alam ko.
***
MGA tanyag na taong pinanganak sa Junyo 19: Salman Rushdie, Paula Abdul, and Aung San Suu Kyi. Ngayon ay National Garfield the Cat Day at National Martini Day din.
***
Mga Harbat Sa Lambat:
“Tsk tsk, grabe ang mga PEKENG lingkod-bayan ngayon. Kung mamamatay sa katatawa, aatakihin ka sa inis…” -Maybelle de los Santos, netisen
“I shall never waver in my quest for justice and vindication. I refuse to be broken. Surrender is not an option…”- -Leila de Lima, dating senador, bilanggo ng konsensya
“It appears that VP and DepEd Secretary SWOH never cares about the classroom crisis in Albay as school buildongs are being used as evacuation centers for residents affected by the eruption of Mayon Volcano. She should have been on the ground from day one to assess the shortage of classrooms and education-related problems in the area…” -Sahid Sinsuat Glang, dating sugo, netisen
“OO NGA NMAN…PAG UPO NI DUTARD PANAY ANG RIBBON-CUTTING NYA SA PROJECT NI PNOY…BAKIT NGAUN WALANG KINACUT NA RIBBON SI BBM…”
-Visitacion Quintana, netisen
“Noon panahon ng kabataan namin, meron na rin naman mga bobo…
Pero hinde katulad ngayon sobrang bobo na nga napakayabang pa!…” -Hector Mison, netisen
“The glory of saving a country is not for him who has contributed to its ruin…” – Jose Rizal
“Huwag kalimutan si Rizal at mga ibang bayani ay mga reklamador!…” – Prof. Cesar Povoros Jr., guro, netisen
“Di baleng ‘world’s worst airport’. Mabilis naman daw mag-sorry…” -Vincent Pozon, Mananalastas, netisen
***
Hugutan Moves (by Lily Ochoada, netizen)
“Yung feelings ko sa yo parang Batangueño…
Ala eh…”
***
JokTaym (mula kay Rowena Rosario Canlas, nanunusok, netisen)
Girl: Anung horoscope mo?
Boy: Anu yun?
Girl: Yung tulad saken, ako CANCER. Ikaw?
Boy: ALMURANAS.
***
Wika-Alamin:
PUTONG- Kasuotan na inilalagay sa ulo, kadalasan ito ay kapirasong habi na pinupulupot sa ulo gaya ng sinusuot ng mga katutubo. Hango ang salitang PUTONG sa “patong” o nilalagay. Pwede rin gamiting “pangngalan” o “noun” para isalarawan ang mga bagay katulad ng subrero o “kalo” o kaya “korona o “pandiwa” o “noun” na nagsasalarawan ng aksyon o galaw katulad ng salitang “pagputong” o ” iputong”. Kapag ginamit a pananalita: “Nang manalo siya sa patimpalak ng kagandahan pinutong sa ulo ni Inday ang korona…”
***
mackoyv@gmail.com