Advertisers

Advertisers

Ellen trip na mabigyan ng anak si Derek kaya itinigil na ang bisyong yosi; Andi walang pagsisisi sa simpleng buhay-may asawa sa Siargao

0 1,338

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SI Phimar Alipayo ang binabato ng sisi kung bakit biglang naglamlam at nawala ang ningning ng karera ni Andi Eigenmann.
Nang maging magkarelasyon sina Andi at Philmar ay open book na ginusto ng aktres na mamuhay na lang ng simple sa probinsiya at iniwan ang showbiz.
May netizens na nagsasabi na suwerte ni Andi kay Philmar.
Pero sa interbyu naman kay Andi ng kanyang kaibigan na kung tawagin ay MADZ ay ipinangalandakan at ipinagmalaki ni Andi na siya ang suwerte kay Philmar.
Dahil nga sa kanyang partner na si Philmar ay natutuhan ni Andi mahalin ang sarili.
At may achievement naman daw sa buhay si Philmar bilang champ sa pagiging surfer.
Sa kabila na ipinagpalit ni Andi ang kinang at kislap ng kanyang karera sa ngalan ng pag-ibig kay Philmar.
Masasabi naman nito na masaya siya sa piling ni Philmar at kanilang mga anak at sa simpleng buhay probinsiya sa Siargao.
Walang pagsisisi si Andi sa naging desisyon na sumama na kay Philmar para sa simpleng buhay.
***
MARIING itinanggi ni Ellen Adarna na siya ay buntis dahil sa pagtigil sa kanyang bisyo.
Pero itinigil na raw nito after 17 years ang bisyo nitong vaping dahil gusto na nitong magbuntis sa panganay nila ni Derek Ramsay.
Inilahad din nito sa kanyang IG story ang side effect ng kanyang pagve-vape. Ikinatuwa ng mga kaanak at kaibigan ni Ellen ang kanyang pagtigil sa bisyo. Patunay lang na handang handa na ito sa kanyang pagbubuntis.
Gusto na nga nitong mabigyan ng anak si Derek kaya pati bisyong paninigarilyo ay itinigil na nito.
Natanong naman kay Ellen ng netizens kung anong gender ang gusto nitong maging anak nila ni Derek.
Ani Ellen, sana nga raw ay babae naman para tapos na ang boksing pero kung lalaki pa rin ay okey lang din naman.
Wish ng netizens na mabigyan na nito ng anak si Derek kaya nga inihahanda na ni Ellen ang kanyang katawan para sa pagbubuntis.
Well, well, well…’Yun na!