Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
SA panayam ng PEP.ph kay Jericho Rosales, inamin niya na may mga offers siyang natatanggap mula sa ibang network. Pero aniya, hindi niya prayoridad ngayon ang gumawa ulit ng serye.
Sabi ni Jericho,”I’m a freelancer. There have been offers, but like I’ve said, TV work for me is on hold muna.
“Pinark ko muna yung TV work ‘coz I wanna focus on films, and of course, series on streaming services pero mas limited.
Patuloy niya,”‘Di ko naman dini-disregard ang mga teleserye. Parte ng kultura natin yan, minahal ko talaga yan. Binuhos ko yung 110% ko diyan.
“It’s just the season of… kumbaga sa high school graduate, nag-graduate na ako sa college.
“So, ibang playground naman. Matagal ko nang nasa backseat ang music saka film. It’s about time I learned that, I learned the business of film making, dapat pagsabak mo, ready ka.”
Ayon pa sa aktor, hindi naman niya sinasarado ang sarili sa mga TV projects, pero wala pa ito sa isip niya talaga sa ngayon.
“I will never close my doors on any project as long as it’s great, it’s good and I connect with the project. You know me, my last show Halik, talagang 110%, talagang dugo, pawis at baling buto at kung anu-ano pa.
“Lahat kami, Yam [Concepcion], ako, Yen [Santos] and si Sam [Milby] and the directors, of course. I’m good, it’s just I promised to myself na i-prioritize ko na gumawa, mag-produce ng pelikula, dun muna ako .
“Kasi nung 2018 during the presscon, I mean I graduated doing a soap opera, nag-pandemic, nagsara ang ABS, ang daming nangyari.
“The timing is really… parang yung panahon, sinasabi sa akin to venture into other things and focus on my dreams.
“Ang dream ko talaga is to make movies that I will really, really be proud of. Ever since nag-open up ang lahat, wala akong ginawa kundi maghanap ng mga pelikula na gusto kong gawin.
“There have been a lot of offers and I’m really, really happy and grateful sa lahat ng mga nag-o-offer ng work.
“A lot of people think ayoko nang magtrabaho. That’s not true.
“I’m actually working on my own films. I’m writing my own film, I’m producing my own film. Di lang kasi ako yung tipong tao na magpo-post sa social media ng mga ginagawa ko agad-agad.
“Once it’s there na, saka ko siya ipu-post. Di ako natatakot na, ‘o, di ka nakikita ng mga tao.’ Di ako ganun, ayoko ng hilaw. I’m back to work, that’s safe to say. I’m back to work.”
So, sasabak na rin pala sa pagpo-produce ng pelikula si Echo? Goodluck Echo.
***
SA panayam pa rin ng Pep.ph kay Boy Abunda, tinanong siya kung alin ang pinakagusto niya sa 100 episodes ng show niyang Fast Talk With Boy Abunda, ang sagot niya,“Lahat! Walang tapon. Lahat, gusto ko. From Marian [Rivera] to Judy Ann (Santos), lahat walang tapon.”
Sino pa ang gusto niyang kapanayamin sa mga susunod na episodes ng FTWBA?
“Napaka-corny ko talaga. Wala kasi, e. Welcome ang lahat na puwedeng mag-guest, dahi naniniwala ako na lahat may kuwento.
“Lahat talaga, e,” aniya pa.
May mga naging guest si Kuya Boy sa kanyang show na hindi niya naman kilala ng personal, o wala siyang alam na background ng mga ito. Ang ginawa niya, nag-research siya tungkol sa mga ito.
“Inalam ko talaga, inaral ko. Nagtanong,”
Naniniwala siyang lahat may istorya at kailangang maibahagi ito sa mga manonood.
“Si Radson Flores nga ini-interview ko at kung sinu-sino, si Matt Lozano. Pero nag-rate yun,” bulalas pa ng King of Talk.
“Yung nalaman ko, halimbawa, si Kyline Alcantara na nakikisakay sila ng nanay niya sa trak ng mga gulay papuntang Maynila para makapag-audition, that’s the story!
“May kuwento, e, at binibili ng tao ngayon, yung kuwento. Kung sino ang puwede, welcome talaga. Ako, I welcome everyone, totoo yan,” aniya pa.