Advertisers

Advertisers

BISTADO SI JUDGE

0 403

Advertisers

KAHIT noong Enero, hawak ng mga abogado kabilang sa kampo ni Leila de Lima ang mga film footage kung saan inamin at kinumpirma noong 2016 ni Atty. Emmanuel Buenaventura, kapatid ni Presiding Judge Romeo Buenaventura ng Muntinlupa RTC Branch 256, na tinulungan niya si Ronnie Dayan sa paghahanda ng affidavit na nagdiin kay de Lima sa sakdal na conspiracy in drug trading. Hindi alam ng mga abogado sa kampo ni de Lima kung paano pakikinabangan ang mga film footage na kuha ng iba’t ibang TV network noong panahon na iyon.

Hanggang dumating ang dalawang mahalagang pangyayari hinggil sa sakdal. Noong ika-13 ng Mayo, 2022, itinanggi ni Dayan na tumanggap siya ng salapi mula sa mga bilanggong drug lord sa Muntinlupa City upang ibigay kay de Lima at gamitin sa kanyang kampanya noong tumakbo siya bilang senador noong 2016. Ani Dayan, pinilit siya ni Kin. Reynaldo Umali ng Mindoro Oriental na lagdaan noong 2016 ang affidavit na inihanda ni Atty. Buenaventura, isa sa mga abugado ni Umali sa komite.

Si Umali ang chair noon ng House committee on justice and human rights na nag-imbestiga sa drug trading sa Muntinlupa na kinasasangkutan umano ni de Lima. Namatay si Umali noong 2021 sa sakit sa puso. Sa pagbawi ni Dayan na nagsabing pinagtulungan siya nina Umali at mga mananaggol upang lagdaan ang affidaviit, tuluyan nang humina ang pangalong sakdal laban kay de Lima. Napawalang sala si de Lima sa unang dalawang sakdal laban sa kanya.



Ngunit may balakid. May kinikilingan si Judge Romeo Buenaventura, ang hukom na naglilitis sa pangatlong sakdal laban kay de Lima. Dahil may bail petition ang kampo de Lima, matiyaga silang naghintay kung paano aaksiyunan ni Romeo ang petisyon. Hindi alam ni Romeo na may nakahandang bitag sa kanya ang mga abogado ng depensa. Nang ipinagkait ni Romeo na makapaglak ng piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan, dumating ang tamang oras upang gamitin ang film footage ni Emmanuel.

Nagsumite ang mga abogado ng tatlong kasamang akusado ni de Lima sa sakdal – Ronnie Dayan, Joenel Sanchez, and Franklin Bucayo – ng magkakahiwalay na petition for inhibition na humihingi kay Judge Romeo Buenaventura na umurong at huwag litisan ang sakdal dahil sa conflict of interest, o salungatan sa interes. Inilabas ng mga mananaggol ang itinagong film footage bilang katibayan. Mistulang isinakdal si Judge sa kanyang sariling hukuman.



Naging katawatawa si Judge dahil hindi siya nalalayo sa batang nahuli ang kamay na nang-uumit ng tinapay sa garapon. Hindi siya nalayo sa paslit na hinubaran sa harap ng maraming tao at nakita ang ari. Kahiya-hiya si Judge at humirit pa na kaya siya pumayag na mag-inhibit ay dahil nais niyang patatagin ang sistema ng katarungan sa bansa. Pinagtawanan si Judge sa desisyon niya. Nilibak ng walang tigil sa social media. Sino ang maniniwala sa kanya kundi ang kamukha niyang walang matwid at may kinikilingan?

Sabi ng kaibigan: “Hawak ng kampo ni Leila ang lubid na nagbigti kay Judge Buenaventura. Mahina sa pakiramdaman si Judge. Naisahan siya, pinapasok sa bitag.” May mga mungkahi na magsumite si Judge ng application for early retirement. Sa 2036 pa siya magreretiro, ngunit may mga suhestiyon na malaki ang kanyang kinita at napapanahon na upang magbitiw. Inuulit namin na walang batayan ang paratang sa huwes.
*
AYON sa isang abogado sa kampo ni Leila, bistado nila si Judge na may kapatid na nasa kampo ni Rodrigo Duterte at Rey Umali. Hinintay na magkamali si Judge bago hingin ang kanyang pag-urong sa kaso ni Leila. Kahit sa Korte Suprema, alam ang laro ni Judge. Bistado ang paglalaro niya ng apoy sa kaso ni Leila. Dapat nagtaka siya nang nagsalita ang Korte Suprema ng ipagkait ang piyansa sa kaso ni Leila. Naglabas ng official statement ang Korte Suprema sa isang isyu hindi dinala sa kanila. Dapat nakaramdam na ng kahihiyan si Judge.



Sala sa init, sala sa lamig ang sitwasyon ni Judge. Kahit anong paliwanag niya, hindi maalis sa mata ng tao na totoo ang bintang sa kanya na may kinikilingan at hawak siya ng kung sinong makapangyarihan na may interes sa kaso ni Leila. Kung ituloy na litisin si de Lima, tatanggalin siya ng mga nasa Hudikatura. Walang pagpipilian si Judge sa sitwasyon niya. Kaya minabuti niya na sundin ang petition for inhibition.

Hindi pa tapos ang usapin ni Judge. May mga manananggol na nakasilip sa masamang pagnanasa ni Judge sa asunto ni Leila. Bad faith ang tawag nila sa larangan ng abugasya. Plano ng mga manananggol na ipagharap ng sakdal si Judge. Disbarment proceeding ang tawag doon. Tanggalan ng lisensiya si Judge upang huwag nang magpraktis ng abugasya.

Hindi sila naniniwala na hindi alam ni Judge na nagging manananggol ni Umali ang kanyang kapatid. Batay sa paliwanag ng mga abogado, plano nina Judge at iba pang sangkot na lutuin ang kaso ni de Lima. Mukang natunugan ng Korte Supreme ang kanilang masamang plano kaya naglabas ng pahayag ang Kataas-Taasang Hukuman upang madiskaril ang maitim na balak.
Aba, dapat huwag silang magtagal sa planong asunto kay Judge. Gawin agad upang hindi magkalat si Judge.
***
May pahayag si Sen. Risa Hontiveros tungkol sa isyu ng West Pilipine Sea. Pakibasa:

Hontiveros to admin: Bring WPS issue to UN General Assembly, tell China to behave

Senator Risa Hontiveros has joined the recent call of retired Senior Associate Justice Antonio Carpio, in an ongoing bid to stop China’s aggressive actions within the West Philippine Sea.

In Senate Resolution 659, Hontiveros, called on the Philippine government, through the Department of Foreign Affairs (DFA), to sponsor a resolution before the UN General Assembly that will call on China to stop its harassment of Filipino vessels in the WPS.

“As far back as 2016, through the landmark Arbitral ruling, it has been established that there was no legal basis for China to claim historic rights over Filipino resources. It has also been proven that China breached its obligations under international law when it violated our sovereign rights over our continental shelf and exclusive economic zone. This is a clear and unequivocal decision. The Hague Ruling will never be diminished by China’s antagonistic and perpetual non-compliance,” Hontiveros said.

Through her filing on Monday, Hontiveros also hoped to honor the legacy of the late Senator Rodolfo Biazon, a staunch advocate of the country’s interests in the WPS. Biazon’s remains were transferred to the Senate this morning for his necrological services.

“Former Sen. Biazon is known for his unwavering advocacy of the interests of the Philippines, especially in the WPS. In 2021, he called on the government to make a clear stand on the disputed territories and urged the National Security Council to map out a united national position on the issue. His commitment to uphold the integrity of our territorial waters inspired this senate resolution,” Hontiveros emphasized.

The Senate resolution further states that “a UN General Assembly Resolution, while not legally binding, carry significant political weight and serve as expressions of the will and consensus of the international community, with the potential to shape international norms, influence national policies, and provide guidance for the work of other UN organs, specialized agencies, and regional organizations.”

***

Email:bootsfra@yahoo.com