Advertisers
ISA ang nasawi at siyam ang nawawala nang lumubog ang isang fishing vessel sa Baganga, Davao Oriental nitong Huwebes ng madaling araw.
Ayon sa kapitan ng bangka na si Allan Donaire, nagkaroon ng biglaang pagbabago sa lagay ng dagat 12:00 ng gabi, sanhi ng paglubog ng kanilang bangka 1:00 ng madaling araw.
Batay sa mga tauhan ng vessel, mayroong 24 crew ang fishing boat.
Agad namang nagtalaga ng tauhan ang Philippine Coast Guard (PCG) upang rumesponde sa lumubog na bangka. Kasalukuyan silang nagsasagawa ng search and rescue (SAR) operations lugar ng insidente. (Jocelyn Domenden)