Advertisers
NASAWI sa pamamaril ang isang batang opisyal ng Philippine Coast Guard (PCG) na dating nakatalaga sa anti-smuggling unit sa Zamboanga City.
Pasakay na si Coast Guard Ensign Genard Santos ng kanyang motorsiklo nang pagbabarilin ng isang lalaki sa Barangay Lower Calarian. Mabilis na tumakas ang salarin.
Dinala si Santos sa pinakamalapit na ospital, subali’t idineklarang “dead on arrival” ng doktor.
Ayon sa PCG, dating bahagi si Santos ng Coast Guard’s anti-smuggling operations sa General Santos City bago siya inilipat sa Zamboanga City.