Advertisers

Advertisers

2 miembro ng NPA bulagta sa sagupaan sa Albay

0 122

Advertisers

TODAS ang dalawang miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) nang makasagupa ang mga sundalo sa Guinobatan, Albay nitong Huwebes.

Kinilala ang isa sa dalawang nasawi na si Santos Seminiano alyas Santi. Ang isa pa ay nakilala lamang sa alyas “Ilay” at “Elian.”

Sa report ng Philippine Army (PA), naganap ang sagupaan sa Barangay Bololo, Guinobatan nitong Miyerkules.



Sa panayam kay 9th Infantry Division (9ID) Public Affairs Office chief Major Frank Roldan, sinabi niyang nasa 12 rebelde ang nakasagupa ng tropa ng pamahalaan.

Narekober ng militar sa pinangyarihan ng engkuwentro ang isang M16 assault rifle, isang M635 rifle, 2 anti-personnel mine, at 5 backpacks na pag-aari ng mga rebelde.