Advertisers
INIHAYAG ni Executive Secretary Lucas Bersamin na alam ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na may kaso sa Korte Suprema ang na-disbar na si Larry Gadon.
Pero naniniwala, aniya, si PBBM na hindi makakaapekto sa trabaho ni Gadon ang kanyang kawalan ng lisensiya sa abogado kaya mananatili ito bilang Presidential Adviser on Poverty Alleviation.
Ginawa ni Bersamin ang pahayag matapos tanggalan ng lisensya ng Supreme Court si Gadon bilang abogado dahil sa sinasabing pagmumura at pambabastos sa journalist na si Raissa Robles.
Iginiit ni Bersamin na ang disbarment issue laban kay Gadon ay personal niyang haharapin at wala itong kinalaman sa trabaho niya bilang presidential adviser.
Dagdag pa ni Bersamin, patuloy na gagampanan ni Gadon ang kanyang bagong papel upang matutukan ang anti-poverty programs ng administrasyon at naniniwala aniya ang Presidente na magagampanan niya ito nang mabuti. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)