Advertisers

Advertisers

Baron idiniin, handa na at ‘di takot mamatay

0 238

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

GUSTO pala ni Vice Ganda na mag-guest sa isang show ng GMA 7. Kaya naman nag-request siya sa ABS-CBN executive na si Cory Vidanes, kung pwede daw ba siyang payagan na lumabas sa show na hindi niya binanggit ang pangalan.
Ayon naman kay Cory ay sasabihin niya sa mga boss at baka magawan ng paraan.
“Gusto ko lang lumabas sa programang ito. Kung uubra lang. Sana mag-guest ako sa show na ito,” sabi ni Vice.
Pakiramdam din daw niya ay maraming curious kung makakapag-guest siya sa naturang programa.
“Feeling ko andaming nag-aabang nun. Feeling ko andaming excited. Andami ring mga umiikot ang pwet at curious kung pwede kaya syang mag-guest dun. Makakapag-guest kaya siya dun?”
Hindi kaya ang tinutukoy na show ni Vice na gusto niyang mag-guest ay sa Family Feud? Masaya kasi ang nasabing game show ng Kapuso network. At siguradong mag-i-enjoy dun si Vice ‘pag nakapag-guest siya roon. Besides, nakatrabaho niya na sa isang pelikula ang host nito na si Dingdong Dantes. At naging malapit sila. Kaya sa tingin namin, sa Family Feud gusto ng Unkabogable Star na mag-guest.
Samantala, simula sa July 1 ay mapapanood na sa GTV ang It’s Showtime na isa sa host si Vice.
Sa July 1 din mapapanood ang Eat Bulaga nina Tito,Vic and Joey sa TV5. Sabay na magpa-pilot episode ang dalawang noontime show na magkatapat. Alin kaya ang mas panonoorin ng publiko?
***
Sa tanong ni Boy Abunda kay Baron Geisler nang mag guest ito sa kanyang show na Fast Talk With Boy Abunda kung handa na ba ang aktor na mamatay, ang sagot ni Baron, “I was just thinking about that yesterday.
“It’s God’s will naman lahat eh. But if I do die tonight while I sleep, I think I’m ready. I think I’m ready, I’m not afraid to die,” aniya pa.
Ang message naman ng aktor para sa kanyang sarili, ‘I’m proud of you kid. You did well. Maintain and keep it up.”