Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
SA panayam ni Dra. Vicki Belo sa kanyang vlog, ibinida ni 2018 Ms. Universe Catriona Gray ang kanyang relasyon sa kanyang Bikolanang inang si Normita Ragas Magayon.
Pagbabahagi ng beauty queen, maganda raw ang relasyon nilang mag-ina.
Katunayan, parang magbarkada lang daw ang turingan nila sa isa’t-isa.
Nagbibigay daw siya ng advice rito in the same way na nakikinig din siya sa mga payo nito sa kanya.
Sa kanilang tsikahan, nagbalik-tanaw din si Catriona tungkol sa kanilang love story ng fiancé na si Sam Milby.
Kakatwa raw dahil hindi raw sila friends ni Sam.
Hindi rin daw niya maituturing na ‘love at first sight’ ang nangyari sa kanilang dalawa.
Kung may nagbuklod daw sa kanila ng fiancé, ito ay ang pagkakapareho nila ang values at prinsipyo sa buhay.
Bukod sa pareho sila ng church, nagkakatugma rin daw ang kanilang pananampalataya.
Paniwala pa niya, itinadhana rin silang magkatagpo ng nobyo.
Sa nasabing interview, natanong din siya tungkol sa kanilang kasal ni Sam.
Tulad ng ibang showbiz celebrities, hindi rin niya ini-reveal kung kailan siya exactly ikakasal sa fiancé.
Aniya, baka raw mangyayari iyon next year.
Hirit pa niya, for the meantime raw ay gusto muna niyang i-enjoy ang kanyang trabaho.
“Oh gosh, mga next year… I just want to enjoy this season. It’s a once in a lifetime season, so we just want to enjoy it and take our time,” aniya.
Sey pa ni Catriona, gusto raw muna niyang magpokus sa kanyang singing career.
Katunayan, ipinag-compose raw niya ng kanta ang boyfie.
Tungkol naman sa pagkakaroon ng mga anak, gusto raw niya ay magkaroon probably ng dalawang anak.
“Maybe two children, one boy and one girl or 2 girls when the time comes,”paliwanag niya. “Because I’m so close to my mom, and I really love our relationship together. So my heart would just burst when I have a little girl,” pagtatapos niya.