Advertisers

Advertisers

Gen. Rivera nanumpa na bilang bagong hepe ng BJMP

0 116

Advertisers

Pormal nang nanumpa si Jail Director Ruel Rivera bilang bagong hepe ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) nitong araw ng Miyerkoles.

Pinangunahan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary of Benjamin Abalos Jr., ang pagbibigay ng two-star ranks at oathtaking ng Jail Director na ginanap sa DILG-NAPOLCOM building sa Quezon City nitong umaga ng Miyerkoles.

Sa kanyang mensahe, ipinahayag nI SILG Abalos ang kanyang buong pagtitiwala at kumpiyansa sa pamumuno ni Rivera.

“General Rivera has become the bridge that connects the previous and recent administrations. He is the continuity of excellence in service,” pahayag ni Abalos

“Without any doubt, I am sure that he will continue to blaze the trail for the Bureau to become better,” dagdag pa ng kalihim.

Itinalaga si Jail Director Rivera ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bilang ika-10 pinuno ng BJMP, epektibo noong Hunyo 25, 2023, kasunod ng pagreretiro ni outgoing chief Jail Director Allan Iral.

Nangako si Rivera na ipagpapatuloy ang pagtatrabaho sa BJMP J.A.I.L. Plan 2040, para suportahan ang “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan” (BIDA) Programa ng DILG at ang Philippine Development Plan 2023-2028 ng Administrasyong Marcos, na nakatuon sa mandato ng BJMP na magbigay ng ligtas, repormasyon at maayos na pinamamahalaan ang mga pasilidad ng kulungan sa buong bansa.

Pangungunahan ni Rivera ang 20,813 tauhan ng BJMP sa pangangalaga sa 126,606 persons deprived of liberty (PDL) na nakakulong sa 479 kulungan sa buong bansa.(Fred Salcedo/Ernie dela Cruz)