Advertisers

Advertisers

Willie sa PTV4 na sa pagbabalik-TV; MJ nanghinayang sa P600 binayad sa ‘Barbie’ movie

0 189

Advertisers

Ni BETH GELENA

AYON kay MJ Lastimosa, matapos niyang mapanood ang pelikulang Barbie ay nasayang lang ang P600 na binayad niya sa sinehan.
Para sa Miss Universe Philippines 2014, sobrang waley daw ang Barbie movie.
Matatandaang naging usapin kung ipagbabawal na ipalabas ang pelikula dito sa Pilipinas dahil sa fictional map ng South China Sea na nasa naturang pelikula.
Pero, napagdesisyunan na hindi naman daw dapat i-ban ang pagpapalabas nito sa bansa.
Sa bansang Vietnam ay hindi ito pinayagang maipalabas at na-ban doon ang Barbie movie.
Sa tweet ni MJ, “Sobrang waley ng barbie movie sayang 600 ko haha!”
Ayon naman kay Valentine Rosales kay MJ, “Di siguro naintindihan English kasi yung movie di nagsama ng translator sa cinehan, well opinion mo yan we respect it. Kaya may sinasabing the Unpopular opinion kasi Barbie is currently the number 1 movie worldwide as of this moment.”
Si Valentine Rosales ay isa sa mga magkakaibigan na nakasama sa pagdiriwang ng bagong taon ng 23-anyos na flight attendant na si Christine Dacera bago siya makitang wala nang buhay sa bathtub.
Marami pa ang nagreak sa post ng former beauty queen.
Dahil kinuyog si MJ sa dami ng reaksyon ng netizens ay binura na niya ang naturang post.
***
ANDREA MAY CONGENITAL ANOSMIA
GUEST nI Andrea Brillantes si Vice Ganda sa kanyang bagong uploaded vlog.
Nilaro nila ang “Never have I ever challenge” na may kakaibang twist.
Naitanong sa kanya ni Vice kung ano ang pakiramdam nang walang pang-amoy.
Sagot ng aktres: “Iniyak ko na yun dati eh. Kasi sabi wala daw ‘tong cure. Siyempre parang malungkot parang hindi complete yung life experience ko. Hindi ko maamoy yung mga nakita kong artista.”
Aminado itong nagkaroon siya ng congenital anosmia at wala raw itong lunas.
Iniyakan daw niya noon ang pagkakaroon ng congenital anosmia.
Wala na raw itong lunas kaya nalulungkot siya dahil hindi raw kompleto ang life experience niya.
Ang congenital anosmia ay kondisyon ng isang tao na isinilang nang walang pang-amoy.
Napag-usapan din nila ang kanyang pagbe-baby talk.
Aniya, hindi raw niya sadya ang pagbe-baby talk na talaga namang palaging nagte-trending.
Esplika niya, “hindi ko napapansin na ganun ako magsalita at minsan ay nagugulat na lang ako kapag inaasar na ako ng mga tao.”
Aniya pa, noong bata siya ay kulang umano siya sa pansin kahit bunso siya at hindi siya lumaki sa mga magulang.
Nababago lang umano niya ito kapag nasa trabaho siya at may role siyang kailangang gampanan.
***
MARAMI na ang nakaka-miss sa programang Wowowin ni Willie Revillame.
At hinahanap na rin siya ng kanyang mga fans lalo na ang mga oldies at senior netizens.
Nitong mga nakaraang araw ay may balitang nagpaparamdam umano si Kuya Wil sa kanyang pagbabbalik-TV.
Pero ang tanong, saang network daw dadapo ang TV host?
May nagtanong, “Is PTV-4 the new network of Willie Revillame?
Ilang buwan na ring hindi napapanood sa TV si Kuya Wil at ang kanyang game show
Huling napanood ang programa ni Kuya Wil sa AllTV, ang bagong network na pag-aari ng Villar Family.
Pero nag-stop ang kanyang programa dahil nagkaroon ng malaking programa sa mga technical aspects kaya nag-resign siya sa AllTV af tuluyang nahinto ang kanyang game show.
Kamakailan ay may ni-release na song si Kuys Wil, titled “Babalik Ako.”
Kaya may nagtanong kung ang kanta bang iyun ay hint ng kanyang pagbabalik.
Bago kumanta ang TV host ay may pasakalye siyang, “Namimiss ko na ang inyong mga hiyawan. Namimiss ko na ang inyong palakpakan. At namimiss ko na ang inyong mga yakap.”
Last July 18, he did a live streaming of his program and called people to give them Php 5,000.00 each. In the same live feed, the host shared that he will do everything to make his show have a comeback.
“Uulitin ko po, para malaman ang totoo, wala po kaming channel. Walang Channel 5 o Channel 7 or Channel 2, walang channel na kahit ano,” wika ng TV host.
“Babalik po ako through social media, Facebook at YouTube lang po. Yan yung totoo. On my own, gagawin… itutuloy ko to sa abot-kaya namin.”
Kaya lang mikhang mababago ang sitwasyon.
Naispatan kasi na nasa PTV4 ang TV host nitong nakaraang July 25.
PTV news anchor Diane Querrer posted some photos and said, “Kuya Wil visits PTV [PH flag].”