Advertisers
TATLONG motorista ang agad na namatay nang mabundol ang kanilang mga motorsiklo ng isang Isuzu pick-up truck na minamaneho ng isang lasing noong Biyernes sa Koronadal City, South Cotabato.
Kinilala ang mga nasawi na sina Berren Niel Velasco, 25 anyos; Alexa Mae Salazar, 23; at Khyrzhan Mendoza, 21.
Sa pahayag nitong Sabado ni Brigadier General Jimili Macaraeg, director ng Police Regional Office-12, nabangga ang tatlo habang patungo ng Tupi, South Cotabato ng isang pick-up truck sa isang bahagi ng Koronadal-General Santos Highway sa Barangay Zone 3 sa Koronadal City.
Sa kanilang ulat kay Macaraeg, kinumpirma ng mga imbestigador ng Koronadal City Police Office na lasing ang driver ng pick truck na si April Dennis Esma, 46, na ngayo’y nakakulong na.
Nawalan ng kontrol si Esma sa kanyang sasakyan nang mahagip ang dalawang motorsiklong lulan ang mga biktima kaya bumulusok ito sa isang malalim na konkretong canal sa gilid ng highway at napinsala.