Advertisers

Advertisers

Nawawalang dalagita nakitang bangkay sa basurahan

0 214

Advertisers

MAKALIPAS ang 6 araw na paghahanap, natagpuan ang katawan ng 17-anyos na dalaga sa isang bakanteng lote sa Barangay Liboton, Naga City, Biyernes ng hapon.

Ayon kay Naga City Police Office spokesperson SMS Toby Bongon, isang pedicab driver ang nakakita sa bangkay ni Roselle Bandojo, senior high school student ng Camarines Sur National High School, nang sundan nito ang masangsang na amoy hanggang sa humantong sa Barangay Liboton ng lungsod.

Ayon sa pulisya, malapit lang din ang bahay ng biktima kungsaan natagpuan ang bangkay nito.
Nakita ang bangkay 3:30 ng hapon na nakabalot ng kumot, itinapon sa basurahan at tinakpan ng tarpaulin habang ang underwear nito ay natagpuan hindi kalayuan sa bangkay nito.

Ayon sa mga imbestigador ng Naga City Police, nasa early state of decomposition na ang labi.
Positibong kinilala ng kanyang pamilya ang biktima sa suot nitong jogging pants at shirt na siya aniyang suot ng dalaga nang ito ay huling makita.

Natagpuan din malapit sa bangkay ang isang martilyo at isang lagari na posible umanong ginamit ng salarin.

Nakita din sa pinagtagpuan ng bangkay ang payong na dala ng biktima gayundin ang suot nitong tsinelas.

Ayon sa mga magulang ng biktima, huling nakitang buhay ang kanilang anak Hulyo 22, 8:40 ng gabi sa crossing ng Penafrancia-Magsaysay, base pa sa kuha ng CCTV ng barangay.
Huli itong nakitang pumasok sa isang convenience store.

Sa teorya ng pulisya, hinablot papasok sa lumang bahay ang biktima ng salarin habang pauwi ito at doon isinagawa ang karumal-dumal na krimen.

Ayon sa PNP, isang linggo pa ang hihintayin para sa resulta ng owtopsiya at DNA samples ng bangkay na makapagsasabi kung paano at ano ang ikinamatay ng biktima.