Advertisers

Advertisers

Smartphones dapat nang i-ban sa mga eskuelahan – UNESCO

0 134

Advertisers

INIREKOMENDA ng United Nations Educational Scientific and Cultural Organization (UNESCO) ang global ban sa smartphones sa mga paaralan.

Ito ay matapos lumabas sa pag-aaral na nakakaistorbo sa pag-aaral ng mga bata ang sobrang paggamit ng gadgets. Maaaring tumagal ng 20 minuto ang mga bata upang makahanap muli ng konsentrasyon pagkatapos ng pagkagambala mula sa mga mobile phone.

Apektado rin maging ang emotional stability ng mga bata at nagreresulta rin sa data privacy leaks.



Dapat din umanong tutukan ang balanseng paggamit ng teknolohiya sa mga paaralan.

Nabatid na halos 1 sa 4 na bansa ang nagbabawal sa paggamit ng mga smartphone sa paaralan.



Kung matatandaan, naging ‘necessity ang smartphones sa mga estudyante nang magsimula ang COVID pandemic dahil nahinto ang face-to-face classes at nauwi sa online learning. Nang humupa ang COVID pandemic, ay naging normal na sa mga kabataan ang labis na paggamit ng gadgets. (Jonah Mallari)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">