Advertisers

Advertisers

“Pader” sa CamSur, gigibain ni San Fernando Mayor Mabulo

0 1,748

Advertisers

Hindi naman lingid sa kaalaman ng nakararami lalo na sa mamamyan ng Camarines Sur na “institusyon” na ang Villafuerte sa lalawigan kapag politika ang pag-uusapan. ‘Ika nga ng iba pader na raw ang angkan ng Villafuerte.

Pero mukhang may katapat na ang mga Villafuerte? Ha!? Gigibain ang pader o wawakasan ang institusyon? Magiging katapusan na ba ito ng Villafuerte sa Camarines Sur?

E sino naman ang sinasabing babangga si mga Villafuerte? Gusto niyong malaman? Ito ay sa katauhan ni San Fernando CamSur Mayor Fermin Mabulo, dating Magdalo leader.



Hinamon ng dating Magdalo leader si 2nd District Representative LRay Villafuerte sa gubernatorial face-off at nangakong tatapusin nito ang 40-taong pamamayagpag sa lalawigan.

Sa pulong balitaan sa Quezon City, sinabi ni Mabulo na napilitan siyang lumabas kasunod ng dumaraming fake news at tsismis na ikinakalat laban sa kanya at sa kanyang pamilya na tanging ang ugat ay pamumulitika.



“Madami pong lumalabas na mga fake news laban sa akin at sa aming pamilya. Mga paninira na sa una ay hindi namin pinapansin dahil pawang kasinungalingan lang. Pero ito ay palala ng palala at sponsored pa,” giit ni Mabulo na dating administrador ng probinsiya noong termino ni Villafuerte bilang gobernador.

Sa unang bahagi ng taong ito, hinamon umano ni Rep. Villafuerte si Mayor Mabulo nang suntukan sa Facebook.



“May nag-text nga sa akin at nanghahamon pa ng suntukan, nag-post din sa Facebook. Sasagutin na kita, Congressman Villafuerte, tinatanggap ko ang iyong hamon. Boxing? Let’s go! Sa isang kundisyon: gawin natin ito sa Jessie Robredo Coliseum sa Naga City bilang fundraising event para sa kapakanan ng ating mga provincial scholars,” hamon ni Mabulo.

Ayon sa alkalde, hindi napagtagumpayan sa loob ng 40-taong pamununo ni Villafuerte sa Camarines Sur, na mapaunlad ang lalawigan.

“Nakalipas ang 40 taon sa posisyon, mailap pa rin ang pangarap na kapayapaan at kaginhawaan na pinapangarap ng bawat magsasaka, mangingisda, at mga ordinaryong mamamayan sa aming probinsiya,” dagdag ng alkalde.

Ngayon ang tanong, nakatagpo na nga ba ng katapat si LRay o ang Villafuerte ng katapat sa katauhan ni Mabulo? Heto na nga ba ang katapusan ng Villafuerte sa kanilang balwarte? Abangan! Teka, hindi ba sa 2025 pa ang halalan?