Advertisers
MAHIGPIT na pinaalalahanan ni Manila Police District (MPD) Director, Brigadier General Andre Dizon, ang mga tauhan nito na “ugaliin ang tamang proseso ng pagsasagawa ng Oplan Sita”.
Ginawa nang “the game changer” ang pahayag kasunod ng nangyaring engkwentro sa pagitan ng riding in tandem at mga tauhan ng MPD-Tactical Motorcycle Riding Unit (MPD-TMRU) Biyernes ng gabi.
Ang paalala ni Dizon ay makaraang makarating din sa kanyang kaalaman na may mga operatiba silang nagsasagawa ng ‘Oplan Sita’ subalit walang signages.
Binigyang diin ng heneral sa kanyang mga tauhan na huwag na itong mauulit dahil isa ito sa mga pinaka- basic requirement ng Oplan Sita.
Dagdag pa niya, ito ang paraan para malaman ng publiko na lehitimo ang kanilang operasyon.
Maliban sa signages, dapat din aniyang nasa maliwanag na lugar ang mga ito na pinangungunahan ng isang opisyal.(Jocelyn Domenden)