Advertisers

Advertisers

Dennis binuking, masahe at himas ang nakapagpapatulog kay Jennylyn

0 48

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

KUNG loyal Kapuso for twenty years si Dennis Trillo, loyal and faithful din siya sa misis niyang si Jennylyn Mercado.
Kaya naman buong ningning na sinabi ni Dennis na never siyang mangangaliwa, never niyang lolokohin si Jennylyn.
“Mahirap magkalamat yung tiwala ng isang tao, lalo na matagal mo siyang pinag-ingatan, kaya hindi ko na iniisip na magloko or ma-tempt man lang. Ako na mismo ang lumalayo talaga,” sabi ni Dennis.
Alam naman ni Dennis na nangyayari talaga na ang isang tao ay magkagusto sa iba pero nasa tao na rin kung paanong iiwas sa temtasyon.
“Siyempre mga tao lang din naman tayo. Pero ang importante riyan, as long as meron kang respeto sa partner mo, hindi mo hahayaan na maging masama yung pangalan mo,” sinabi pa ng Kapuso Drama King.
At sigurado si Dennis, hinding-hindi siya magtataksil kay Jennylyn.
“Ako kasi maingat ako sa tiwala ng tao. Ayokong isipin na may mangyayaring ganoon sa relasyon naming dalawa kaya minamabuti ko rin na siguraduhin na palaging masaya yung asawa ko kahit na may mga anak na kami.
“Gusto ko maging maligaya pa rin siya, gusto ko kinikilig pa rin siya sa akin at sa mga ginagawa ko.
“Gusto ko lagi siyang masaya. Lahat ng nagpapasaya sa kanya ginagawa ko.”
“Minamasahe ko siya, mahilig yun magpamasahe lalo na sa likod niya kapag matutulog na. Hindi yun makakatulog, hirap siyang matulog. Pero kapag hinimas ko na yung likod niya, mabilis na,” nakakakilig na kuwento pa ni Dennis.
Pero maging si Jennylyn pala ay matindi kung lambingin si Dennis!
“Siya ang mas grabe mag-alaga, hindi ko maikukumpara ang pag-aalaga niya sa akin. Siya yung talagang the best sa pag-aalaga. Sisiguraduhin niya na safe ka, sisiguraduhin niya na maayos ka, kumpleto lahat ng gamit mo.
“Siya pa yung madalas nag-aayos ng gamit ko minsan or madalas kapag may taping ako or out of town or out of the country.”
Samantala, mapapanood na ang Love Before Sunrise simula sa September 25, 8:50 pm na si Bea Alonzo ang leading lady ni Dennis.
Mula ito sa GMA Network at VIU Philippines.
Nasa serye rin sina Andrea Torres, Sid Lucero, Sef Cadayona, Rodjun Cruz, Vaness del Moral, Vince Maristela, Cheska Fausto at sina Nadia Montenegro, Tetchie Agbayani, Ricky Davao, Isay Alvarez at Matet de Leon.
Ito ay sa direksyon ni Mark Sicat dela Cruz.
***
SOBRANG kasiyahan daw ang nadama ni Barbie Forteza, maging ng leading man niyang si David Licauco, na kasalukuyan pa lamang na umeere noon ang top-rating na Maria Clara At Ibarra ay naghahanap na agad ang GMA ng bagong project para sa kanilang dalawa.
“Ano ang reaksiyon namin? Siyempre Dyusko tuwang-tuwa kami ni David kasi… ako personally, ngayon ko lang po nalaman na umeere pa lang ang Maria Clara At Ibarra e kumbaga napansin kami ng mga bosses and they’re already thinking of a new project.
“Na para sa amin bilang artista, sobrang fulfilling iyon siyempre, and kami naman po in return gagawin naman po ang best namin para mapaganda rin ang seryeng ito,” masayang bulalas ni Barbie sa face-to-face mediacon ng bago nilang proyekto ni David sa GMA, ang Maging Sino Ka Man.
Dito ay gaganap si Barbie bilang si Monique/Dino at si David bilang si Carding.
Sa direksyon ni Enzo Williams, kasama rin sa Maging Sino Ka Man sina Juancho Triviño as Gilbert Arnaiz, Faith Da Silva as Cleo Ramirez, Mikoy Morales as Gordon a.k.a. Libag, Rain Matienzo as Tetay at sina E.R. Ejercito as Boss Frank, Jeric Raval as Alex, Jean Saburit as Shonda, Juan Rodrigo as Miguel, Antonio Aquitania as Jonas, at Jean Garcia as Belinda Salazar.
May special participation sa serye sina Al Tantay as Osmundo at Tonton Gutierrez as George.
Napapanood ito 8:00 p.m. sa GMA Telebabad at 9:40 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito ng mga Global Pinoys sa GMA Pinoy TV.

Leave A Reply

Your email address will not be published.