Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
KUNG dati ay mina-manage ang kanyang career bilang artista, ngayon ay nakaka-relate raw ang magaling na aktor-direktor na si Eric Quizon sa karanasan ng isang talent manager.
Aniya, masarap daw na mahirap ang bagong role niya bilang head ng Star Center ng Net-25.
Katunayan, feeling daw niya ay naging instant tatay siya sa 31 kids na sina Aaron Gonzalez, Arwen Cruz, Bo Bautista, Celyn David, Crissie Mathay, Dana Davids, David Racelis, Drei Arias, Gera Suarez, Gia Gonzales, Jam Aquino, Jannah Madrid, John Heindrick, Juan Atienza, Kanishia Santos, Migs Pura, Marco Ramos, Mischka Mathay, Miyuki de Leon, Nate Reyes, Nicky Albert, Ornella Brianna, Patrick Roxas, Rachel Gabreza, Shanicka Arganda, Shira Tweg, Sofi Fermazi, Tim Figueroa, Via Lorica, Victoria Wood, Yvan Castro at Zach Francisco.
Hirit pa niya, sobra rin daw siyang napabilib sa potensyal sa pagkanta, pagsayaw at pag-arte ng kanilang new talents na sinala pa from more than 400 aspirants.
Ang iba raw sa mga napili ay may gagawin nang major projects sa network.
Nilinaw naman niya na hindi exclusive sa NET-25 ang kanilang talents bagama’t eksklusibo sila sa Star Center.
Sey pa niya, kung may kukuha raw sa serbisyo ng kanilang talents na ibang network o film outfit, hindi raw nila ito hahadlangan.
Gayunpaman, kasama raw sa kanilang trabaho ay salain ang offers sa mga ito.
Marami rin daw silang programa na inihanda para mahasa pa ang talino ng kanilang talents tulad ng StarKada.
Dahil busy sa kanyang bagong role, his acting career might take a backseat for the meantime.
Pero nilinaw niya na hindi pa raw naman siya magre-retire pagdating sa pag-arte.
Katunayan, may offer daw sa kanya na gumawa ng isang ambitious project na kukunan pa sa ibang bansa.
Tungkol naman sa kanyang reaksyon sa rebelasyon ni Zsa Zsa Padilla sa isang vlog na dating crush niya ang aktor.
Ani Kaizz, flattered daw siya pero matagal na raw niya itong alam.
Bago pa raw kasi nakilala ng Divine Diva ang amang si Dolphy ay nagkatrabaho na sila ng singer-actress noong nagmomodelo pa siya.
Aniya, happy rin daw siya sa estado ng relasyon ni Zsa Zsa sa piling ng partner nitong si Conrad Onglao.
Katunayan, kapag may usapin daw tungkol sa pamilya ay kinukunsulta pa rin nito ang singer lalo pa’t dalawa sa mga anak nito ay mga kapatid niya sa ama.
Ayon kay Eric, bet din daw niyang magkaroon ng anak bagama’t parang tanggap na raw niya na hindi makapag-aasawa lalo pa’t nasa history ng mga Quizon na walang nagpapatali maliban kay Vandolph.