Advertisers

Advertisers

Sa iringan kay Dad Kiko at sis Frankie…KC gumigimik dahil may international project?

0 47

Advertisers

NI FAVATINNI SAN

PINAGPIYESTAHAN ang sagutan ng mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion. Unang nagbigay ng pahayag si KC na in-unfollow niya ang kanyang stepfather na si ex-senator Kiko Pangilinan at kapatid na si Frankie.
Di kaya gumigimik lang si KC dahil may international project siya at pati whole cast is excited for her film comeback?
Samantala, humarap sa press people sina Sharon at Gabby Concepcion.
Unang tanong kay Sharon ay tungkol kay KC.
Nagsalita rin si Gabby dahil magkasama sila ni Shawie sa “Dear Heart”concert. Kahit na apat na taon daw sila na hindi nagkikita e ayos sila at walang problema ng dating misis.
O, kayo mga maritess itigil na tsikang di sila in good terms.
Kapag may proyektong ipalalabas, overgaga para mag-unahan sa pagkalap ng balitang showbiz.
***
HAROLD MONTANO FILM DIRECTOR NA
BIGGEST break Kay Harold Montano na magdirek ng isang psycho film.
Very challenging sa actor ang nasabing pelikula. Suportado siya ng kanyang producer. Kung inyong matatandaan, kasabay niya nuon si Coco Martin sa obra ni direk Dante Mendoza na “Tirador.”
Samantala, tuloy ang laban ni Erika Villorento, manager ni Harold, sa reklamong trademark infringement at unfair competition. Gan’un ang suporta ng may-ari ng MJ Soriano Trading sa actor cum director na si Harold, na exclusive endorser niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.