Advertisers
Ni NOEL ASINAS
HINANGAAN pareho sina Dennis Trillo and Bea Alonzo ng entertainment press sa mediacon ng bagong series ng GMA at VIU na ginanap sa Cinema 2 ng SM Megamall nitong September 16, ang Love Before Sunrise.
Tampok ang love team ng dalawa, Dennis at Bea, na pinagtagpo ng tadhana na kapwa umibig sa isa’t isa. May hadlang sa kanilang pag-iibigan. Sisimulang ipalabas sa September 23 sa Viu at September 25 sa GMA 7 at 8:50 pm.
Ang teleserye ay idinidirek ni Mark Dela Cruz. Kasama rin sa cast sina Sid Lucero and Andrea Torres, bilang pangunahing kontrabida. Balik-GMA si Matet de Leon bilang best friend ni Bea.
Nasa cast din sina Ricky Davao, Jackie Lou Blanco, Nadia Montenegro, Vince Maristela, Vaness Del Moral, Chef Jose Sarroza at iba pa.
***
Actor-comedian Sef Cadayona, ikakasal na sa non-showbiz syota
MAG-aasawa na ang actor-comedian na si Sef Cadayona next year sa non-showbiz girl. Two years na silang mag-on. Nag-decide na si Sef na pakasalan ang gf na nag wo-work as airline ground crew.
Ani Sef: “Finally. nagdecide na akong pakasalan ang girlfriend ko. Lahat ng katangian sa babae ay nasa kanya, na hanap ko.
” Next year pa ang kasal para mapaghandaang mabuti. Bukod pa this year, busy ako sa taping ng Love Before Sunrise bilang kaibigan ni Dennis Trillo as Atom sa serye.”
Hindi na bumabata si Sef. Siya’y 34 years old na ngayon. Gusto na rin niyang lumagay sa tahimik. Nakita naman niya ang babaeng matagal na niyang hinahanap.
Buhat nang lisanin niya ang Bubble Gang, kung saan dito siya nagkapangalan bilang versatile comedian, sa iba’t ibang programa ng Kapuso Network siya lumalabas. Tulad ng All Out Sunday na madalas siyang napapanood.
Incidentally, napangiti lang si Sef nang sabihin ko na ang ex-gf niyang si Andrea Torres ay nasa Love Before Sunrise cast din bilang kontrabida ni Bea. Noong sila ni Andrea, pareho silang nasa cast ng Bubble Gang. Ganoon lang daw ang pag-ibig na lumilipas din.