Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
SA kanyang Instagram post, malungkot na ikinwento ni Matet de Leon ang hindi magandang experience niya sa isang grocery. Nakapila kasi siya sa Persons with Disabilities o PWD at tinitingnan siya ng hindi niya mawari kung bakit, hanggang sa kalabitin siya ng isang babae at pinalilipat sa ibang lane.
Inakala kasi ng mga nakasabayan ni Matet na sinadya niyang pumila sa PWD lane para prioridad siya at madaling makapamili.
Post ni Matet sa kanyang Instagram account kamakailan, “I have bipolar disorder. I’m a pwd. Hindi halata? Kaya pala pinag titinginan ako kanina sa isang supermarket.
“Kinalabit pa ako ng isang babaeng yayamanin at pinapalipat ng lane. Hiyang hiya ako. Pati sa sarili ko.”
Patuloy niya, “Pumila kasi ako sa PWD lane. Wala akong kasunod na senior, o may visible disability, kaya nag-decide ako na roon na pumila. Kung saan ako dapat.”
“Ang hirap ng kalagayan naming may mental health issues na hindi nakikita ng iba. Sanay sila na ang may mental illness, nagtutulo ng laway o nagsasalita mag isa.
“Sana sa lahat ng makakabasa nito, mag ingat. Guys, hindi madali ang malagay sa sitwasyon namin. Sana huwag nang pabigatin pa ng iba.
“Sana huwag nang paabutin pa sa kailangan na naming isabit sa leeg namin mga ID namin. Kaloka (emoji sad face).”
Mensahe pa ni Matet,“At sa mga kagaya ko, na kaya naman magtiis ng sandali, paunahin ang matatanda at ‘yung talagang makikita ninyong hirap nang pumila. Yun lang.”
PWD pala so Matet. Kahit kami ay hindi alam. Kung titingman mo kasi si Matet ay normal na normal siya, di ba?
***
MARAMING nakapapansin na hindi man lang tumutulong si Sharon Cuneta sa promo ng Hollywood movie ng anak na si KC Concepcion titled Asian Persuasion.
Ayon sa mga netizen, sana man lang daw, sa pamamagitan ng social media accounts ng Megastar, ay mai-promote niya ang nasabing pelikula ng panganay na anak.
Pero noong Huwebes, September 14, ayun at bumawi si Sharon kay KC. Pinromote na nito ang pelikula ni KC na kinunan sa Amerika by re-posting the poster of Asian Persuasion mula sa Instagram account ni KC.
Ang caption ni Sharon,”“America! My first-born is starring in her first Hollywood movie and I hope you can watch it! (praying hand and heart emojis) @kristinaconcepcion God be with you anak. Please take care of yourself. Repost from @kristinaconcepcion.”
Maging ang caption ni KC sa poster ay ni-repost din ni Sharon, “Calling all my friends and Fil-Ams in America! 6 days to go, and I’ll be at the @sohofilmfest for the first time as an actor, representing my first international film “Asian Persuasion” – am I seeing you there?
“Our world premiere for Sept 16th @ 7p is SOLD OUT, but you can still purchase your tickets for the Sept 17th showing (2p @villageeastbyangelika). I’m soooo nervous.
“Are you coming? Where are you from? Share with us in comments below!”
Kaagad nagkomento si KC sa pag-post ng ina. Sabi niya,”Like I always tell you mama, tho I’m not perfect, everything I do is for you.”